MFS 1

301 37 26
                                    

Lumabas ako mula sa aking sasakyan. Naririnig ang ko ang busina ng mga sasakyan, sigawan ng mga tao, at isang lalaki na lumapit sa akin at nagsosorry. Nahihilo ako. Parang umiikot ang paningin ko kaya naman napapikit ako. Hinawakan ko ang aking  ulo at nakaramdaman ako ng likido na umaagos sa aking hairline. Tiningnan ko ang aking kamay at nakakita ng dugo. Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. Ang mukha niya ay sobrang nag-aalala at hindi siya matigil sa paghingi ng patawad.

 Ilang saglit pa’y natauhan na ako sa kung ano ang talagang nangyayari sa aking paligid. Ibinalik ko ang tingin ko sa aking sasakyang nakataob sa gilid ng tulay na daang kinatatayuan ko. Ang itim kong sasakyan ay nakataob, basag ang salamin, yupi sa gilid at likod. Nakaramdam ako ng galit ngunit kasabay ng agos ng dugo mula sa aking ulo ay tumulo din ang aking luha. Naroon sa loob…ang pinakamamahal kong babae. Hindi gumagalaw. Katulad ng sasakyan kong nakataob, kasama siyang nakabaligtad dahil hinahawakan pa rin siya ng kanyang seatbelt. Hindi ito totoo, pwede bang may magsabi sa akin na panaginip ko lang ito?!

Maraming dugo rin ang umaagos sa kanyang buong mukha. Halos marami na din iyon at sapat na para sabihing patay na siya. Ang kanyang maamong mukha ay wala nang buhay, namumutla na ito ng sobra. Makikita ang mga bubog mula sa salamin ng sasakyan na nakapatong sa kanyang pouch bag. Nakakaramdam ako ng galit, sobrang galit. Agad kong ibinaling ang aking paningin sa lalaking paulit-ulit nang nagsosorry at sinuntok siya ng pagkalakas-lakas. Tumumba siya at dumugo ang kanyang ilong. Katulad ko siyang lumuluha. Hindi bakas sa mukha ng lalaking ito ang galit kahit na sinaktan ko siya.

‘Bulag ka ba?! Hindi mo ba tinitingnan ang daanan!’ ang malakas na sigaw ko sa lalaki at hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang damit at inangat siya. Damang dama ko ang sakit mula sa sugat ng aking ulo at ang kamao ko na tila magkakapasa sa lakas ng suntok ko. Tiningnan ko ng masama ang lalaking iyon.

‘Patawarin po ninyo ako, kuya…patawad,’ patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang ilong gayundin ang kanyang mga luha. Ramdam kong totoo siya sa paghingi ng tawad ngunit hindi niya ako masisisi sapagkat wala nang buhay sa loob ng sasakyan ang girlfriend ko. Nanginginig ako sag alit. Gusto kong ikiskis ang kanyang mukha sa konkretong tulay na daang ito!

‘Hoy, kuya! Imbis na magsuntukan kayo diyan bakit hindi na lang ninyo ilabas ang babae doon sa sasakyan?!’ ang sabi ng isang truck driver na kanina pa bumubusina sa aming likuran. ‘Nakakatraffic kayo!’

Lalo akong nagalit at binitawan ang lalaking sinuntok ko. Hinarap ko ang truck at nagsabing, ‘Tarantado ka ba?! Naaksidente kami ng girlfriend ko at kasalukuyan siyang naipit sa loob! Makakatulong ba sa kanya kapag ipinilit ko siyang ilabas!!?’

Tiningnan lamang ako ng truck driver. Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid. Halos lahat ng tao ay nakatingin lamang sa sitwasyon namin. Napaluhod ako kaharap ng driver’s seat ng sasakyan ko. Rose, gumalaw ka. Ipakita mo sa aking maayos ka lang! isinandal ko ang aking mukha sa daan at humagulgol. Naririnig ko na ang mahinang tunog ng sirena ng ambulansya at pulis. Malapit na sila, ililigtas ka nila Rose. Napapikit na lamang ako at pinakinggan ang  ingay sa buong paligid. Nagsimula nang umulan. Nagsisimula na ring lumabo ang aking paningin. Kulay pula na rin  ang aking damit, siguro marami nang dugo ang nawawala sa akin. Tuluyan na akong nanghihina. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaking sinuntok ko at tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang sasakyan ko.

‘Waah!’ ang sigaw  ng lalaking iyon na tila takot na takot.

Tumingin ako sa sasakyan at nagulat sa aking nakita. Nanlaki ang aking mata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o makakaramdam ng takot. Unti-unting gumagapang palabas ng bintana si Rose. Ang kanyang itim na buhok ay tinatakpan ang kanyang duguang mukha. Tumigil siya sa paggalaw nang makalabas na ang buo niyang katawan. Katapat ko siyang nakaupo habang nakayuko pa rin siya. Para akong nanigas sa takot sa aking nakita. Nararamdaman ko din na natatakot ang mga taong nakapaligid sa amin. Ano’ng nangyayari?!

‘Patawad po! Patawarin po ninyo ako!’ ang iyak ng lalaki.

Unti-unting tumayo si Rose kung saan siya nakaupo. Para siyang zombie na hindi ginagalaw ang mga braso. Akala ko kanina, hindi na siya humihinga! Pero eto siya ngayon biglang lumabas mula sa sasakyan ko.

 Patuloy ang pagtulo ng dugo at sobra na ang pagkaputla ng kanyang balat. Rose? Inangat niya ng bahagya ang kanyang mukha at tumingin sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Parang natigil ang paghinga ko sa aking nakikita.

Ayun siya, nakatayo at nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. Walang buhay ang kanyang mga tingin. Walang kinang sa kanyang mga mata. At mula sa kanyang labi na partly open, may usok na lumalabas. Parang steam. Sa bawat patak ng ulan sa kanya mapapansin ang pag-usok ng katawan niya. Ano ba ito? 

Naririnig ko ang murmurs ng mga taong nakapaligid sa amin. Mga taong hindi man lang nagtangkang tumulong sa amin ni Rose. Malakas ko na ring naririnig ang sirena ng ambulansya at ang tunog ng paglabas nila ng mga gamit for first aid at stretchers. Mula sa sulok ng aking kanang mata, dinakip na nila ang lalaking hingi ng hingi ng sorry. At kami ni Rose, nakatitig sa isa't isa. Ako na naguguluhan kung paanong naging maayos lang siya mula sa pagkakaipit niya sa loob.

Sobrang nanginginig ang aking mga labi sa lamig ng ulan ngunit gusto ko pa rin sambitin ang kanyang pangalan, ‘Rose?’ At sa sandaling iyon, tuluyan na akong nawalan ng malay.

*************************************************

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys :) Ito po ang aking bagong story. I hope you take time to read it. Para sa unang chapter na ito, I dedicate it to @AnotherStrangeGirl. Palagi po akong nagdededicate sa mga followers especially sa mga nagcocomment ^_^ Sana antabayanan ninyo itong story. Thank you so much for the first 4 readers of this chapter.

MY FANTÔME SWEETHEART (12 Official Chapters, SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon