MFS 2

198 32 22
                                    

Naramdaman ko ang paglipat sa akin mula sa stretcher papunta sa isang hospital bed. Naaaninag ko ang ilaw na tumatagos sa talukap ng aking mga mata. Half-conscious ako sa aking paligid at sa nangyayari sa akin. Naririnig ko ang tunog ng gulong ng hinihigaan ko. Saan ako dadalhin? Nadama ko oxygen mask sa aking mukha. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. Imahe ng isang lalaking nakaputi at babaeng may cap. Doktor at nurse? 

Ilang saglit ay ipinasok ako sa isang kwarto at naririnig ko ang sinsabi nila. "Check the vital signs". "Linisin agad ang mga sugat". "We should check the possibility of hemorrhage". At ang iba pa nilang usapan ay hindi ko na narinig pa. Nagdilim ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay. 

----

[sound of heart rate monitor]

*teeeeeet*

*teeeeeet*

*teeeeeet*

*teeeeeet*

*teeeeeet*

*teeeeeet*

-----------

That sound. It's a familiar sound. The sound that reminds me how much she loves me. 

"William.... William...." isang malambing na tinig ng isang babae ang tumatawag sa akin. Bumangon ako sa kinahihigaan kong damuhan. Damuhang puno ng magagandang bulakalak at malalaking puno na silungan. Tiningnan ko kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. May dala-dala siyang mga bulaklak. Kasabay ng ihip ng hangin ang paggalaw ng kanyang magandang bestidang kulay pink. Nabibighani ako ng kanyang mga ngiti. Ang kanyang mga labi ay kasing pula ng mga cherries na kanyang paborito. Ang kanyang nakakaakit na mga mata ay puno ng liwanag na tanging sa kanya ko lang nakita. Siya lamang ang nagtataglay ng maamong mukha sa lahat ng babaeng nakita ko. Ang kanyang buhok ay kasing itim ng kalangitan tuwing gabi, kumikinang dahil sa mga bituin.

"William, bakit ganyan ka makatingin?" ang sabi ni Rose nang makalapit na siya sa akin at umupo sa harap ko. Hindi pa ako makapagsalita ng maayos sapagkat nakatuon ang aking atensyon sa kanyang mukha.

"Uy, Willllllllllllliiaaaaam?" ipinaypay niya ang kanyang kamay sa aking mukha. At bigla akong natauhan. Napakurap ako ng ilang beses mula sa pagkakatulala sa babaeng kaharap ko.

"Rose...."

"Daydreaming na naman ba, William? Mukhang nagiging habit mo na yata yan?" ang pabiro niyang sabi sa akin.

Ngumiti lamang ako. Pinisil niya ang aking pisngi at bingyan ako ng light kiss. Tumayo siya na para bang nagsasabing sumunod na ako sa kanya.

"Hmmm, Rose...." tumayo ako at kinuha ang aming picnic basket. "...nagiging habit na yata ang magnakaw ng halik?" 

Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mata. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako. Tumakbo kami sa gitna ng damuhan. Mapaglaro talaga itong si Rose, para na naman siyang batang hinihila ako papunta kung saan niya man gusto pumunta. Hinila niya ako hanggang sa makita namin ang highway. Binitawan niya ang aking kamay at tumungo siya sa aking sasakyan. Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Nakangiti siyang sumakay sa loob, sa passenger's seat. Inilagay ko ang picnic basket sa back seat at sumakay na ng kotse.

Pabalik na kami sa bahay ni Rose. Ihahatid ko na siya doon ng maayos at ligtas. Binuksan ni Rose ang radio at nagpatugtog ng malulumanay na mga musika. Katulad ng maamo niyang mukha at mahinhin niyang personalidad ay ang pagkahilig niya sa mga klasikong musika na ginagamitan ng grand piano. Mahusay din siyang tumugtog ng piano. Madalas niya akong pakitaan ng kanyang husay sa bawat piece na binibili ko para sa kanya. Totoong talentado siyang babae, wala na akong hihilingin pa.

"William, I love you," out of the blue nagsabi si Rose ng mga katagang iyon sa akin. Mula sa pagkatuon ko ng aking paningin sa kalsada habang nagmamaneho, napalingon ako sa kanya. As usual, nakangiti siya sa akin. Please, nakakaakit ang mga ngiti mo Rose, wag muna ngayon. Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa kalsada.

"Magugustuhan ng kapatid mo ang mga bulaklak na pinitas ko.... ibigay mo sa kanya ha?" isinandal niya ang kanyang ulo sa kanyang kanang kamay na nakatukod sa may window ng kotse.

"Opo, Miss Rose," masyado din siyang concern sa aking little sister na si Agnes. Close silang dalawa kaya naman botong-boto si Agnes sa kanya. 

Ipinikit ni Rose ang kanyang mga mata.

"Teka, Rose. Hindi ka nakaseatbelt."

Agad niyang sinuot ang seatbelt at ipinikit muli ang kanyang mata. Hawak-hawak niya ang kanyang cute na pouch bag na naaangkop sa kanyang suot.

Maganda ang daloy ng trapiko sa kalsadang aming tinatahak. Mula sa countryside ay kailangan naming tahakin ang isang mahabang tulay na kalsada na nagdurugtong ng dalawang lugar. Hindi ako gaano mabilis magpatakbo ng sasakyan dahil ayoko namang matakot si  Rose at baka hindi na siya sumakay sa aking kotse o sumama sa mga gusto ko puntahan.

Di kalayuan sa aming harapan ay nakakarinig ako ng mga busina ng iba't ibang sasakyan. Sa aking palagay ay sa flow ng daan na tinatahak namin ang may problema. Gayunpaman, hindi naman tumitigil ang mga sasakyan sa aming harapan. Habang distracted ako sa kakaisip kung bakit ganoon ang ibang driver, biglang lumiko sa kaliwa ang sasakyang sinusundan namin sa harap. Hindi ito nagsignal ng pulang ilaw sa likuran. Pansamantalang napatingin ako sa sasakyang iyon ngunit sa pagtuon ko sa mismong harapan ng aming kotse, isang puting sasakyan ang pasalubong sa amin. COUNTERFLOW siya! Sinubukan kong iwasan ang puting sasakyan ngunit masyadong mabilis ang pangyayari. Mabilis masyado ang kanyang takbo kaya naman kahit naiwasan ko siya ay nabangga niya pa rin ang gilid ng kotse ko. Nagpanic ako kung brakes o gas ba ang inapakan ko. Nagulat na lamang ako na biglang tumayo paharap ang kotse ko at sabay taob sa gilid ng tulay na kalsada. Tumama ang ulo ko sa manibela ng kotse at nakita kong nabasag ang salamin sa harap. Napapikit ako. Nakarinig ako ng malalakas na busina ng ibang sasakyan. May mga taong nagsigawan at hindi parang nag-skip ang minuto na wala akong marinig.

Lumabas ako ng kotse. Nakita ko ang isang lalaking paulit ulit na nagsosorry. Sinuntok ko siya nang makita ko si Rose sa loob ng aking sasakyan na walang buhay. Umulan. Nakaupo ako katapat ng aking sasakyan. Nakita ko si Rose na gumagapang palabas ng aking kotse. Duguan. Tumayo siya at tiningnan ako.

-------------------------

"Nurse! Nurse! Si kuya dumilat na!"

MY FANTÔME SWEETHEART (12 Official Chapters, SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon