Chapter 55: 1-4-3

274 12 0
                                    

Cazenn's Pov.

Nasa rooftop kami ngayon ni kennie.Actually madalas dito yung tagpuan namin para iwas makita ng ibang studyante.Tiyak ko naman na pag nakita nila kami mag kaka-issue na naman hanggang sa makarating kay thyler.







"Gusto ni mom na makasama ka,mamayang diner?ok lang ba?".Ani kennie sakin.Tumango kaagad ako."Kung ganon,Matutuwa nato si mom pag nakita ka ulit."











"Kaya nga,matagal ko na rin syang hindi nadadalaw".Simula kasi ng dumating si kennie dito 1 or 2 beses ko palang ka nakakameet dahil madalas ay busy sya sa restaurant nila at kung minsan din ay maraming dating na trabaho kaya ayon.Minsan lang kami magkita."excited na ako"










"Sigurado kang wala kang lakad ah".









Nag-isip muna ako."Oo naman,Missed ko na nga si tita eh,Kamusta yung restaurant nyo,May bago bang dish?".











Ang sasarap nang luto nila sa restaurant nila kaya naman hindi kataka-taka na madaming kumakain at tumatangkilik nito.





"Defenitely,Marami,Gusto mo kahit ano basta sayo?Ipapaprepared ko".Nakakahiya naman,Pero sa totoo lang lahat ng dish nila gusto ko.









"Naku!wag na!Ayos na ako kung anong meron don,hindi naman ako maarte".







Nginitian nya ako."Yan ang nagustuhan ko sayo eh,napakasimple mo".





Nambola pa to'.Ngayon lang naman ako naging simple Dahil dati puro ako arte Siguro dahilan din na nasaktan ako dati kaya narealize ko na hindi pala bagay sakin maging ganon,Aanuhin ko ang make-up at pagiging desperada,kung yung taong mahal ko,hindi ko naman makuha.Nagbago ako,oo,pero marami paring bagay sakin na hindi simple.








Magsasalita pa sana ako pero may narinig akong pamilyar na boses,Na parang papapunta dito sa rooftop,Pinatigil ko si kennie sa pagsasalita para mas maintindihan ko kung sino yung papalapit.






"Ano ba? Huminahon ka?".







"Hindi ako magiging mahinahon,yuan,kung alam kong may lumalandi sa kanyang iba!".







Nanlaki ang mata ko sa narinig.Si thyler yon,kasama sila yuan.Naghanap ako ng lugar or kahit saang sulok na pwedeng pagtaguan ni kennie.Hindi sya pwedeng makita ni thyler,Gulo to pagnagkataon.Potek!Sino naman kayang nagsumbong samin? Papalapit na yung yabag pero wala pa rin akong makitang tamang lugar para makapagtago si kennie.natataranta na ako.





"Magtago ka kennie!Si thyler yon!".Bulong ko.At pati sya hindi alam kung saan magtatago."Andyan na sila!bilis".








"Wait,Wala ditong taguan!".





"Shit!Nalintikan na!".Bulong ko.









Isang malakas na yabag ang narinig ko sa mismong harapan ko.Ganon nalang ang gulat ko,Halos tumalon ang puso ko.Sa kaba.









Napalunok nalang ako."Anong ginagawa mo dito?".Yan ang salita na narinig ko sa kanya Puno ng galit at salubong na kilay ang nakikita ko sa kanya ngayon.










"Thyler,".Pinilit kong ikalma yunh boses ko.





"Ang sabi ko,Anong ginagawa mo dito?" sa pangalawang pagkakataon,mas tinapunan nya ako ng matalim na tingin.





"Ah- A-ano...K-kasi.....Nagpapahangin,nagpaparelax".Buti nalang bago sya dumating may nakita akong parang manhole at dati pala yon tambakan ng libro,Doon ko pinapunta si kennie,Buti nalang di sya nakita ni thyler."Mainit kasi sa room kaya,lagi akong pumupunta dito".Paliwanag ko.










"May kasama kaba dito?".Kung kanina galit na mukha ang tumambad sakin,ngayon ay medyo mahinahon na ito.









Luminga-linga ako sa paligid."W-wala!Ako nga lang mag-isa dito kurimao".Tinignan din nya ang paligid.








"Sigurado ka?".Tumango ako."Kung ganon,Andito ka rin kahapon diba?".





"Oo,bakit?"Kinabahan ako bigla.


"Kung andito ka rin kahapon,Sino yung kasama mong lalaki ,imposible naman na ako yun,diba?".Kahit di nya sabihin.Halata kong naghihinala to sakin,At pagkasarkastiko pa ang pagkakasabi nya.Isa lang ang ibig sabihin.May nakakita samin ni kennie dito.







"Kanino mo ba nalaman yan?".





"Hindi na mahalaga kung kanino,Sino yung kasama mo,kahapon dito?".








"Classmate ko lang yon,Ano kasi,May project kami at pinaguusapan namin yung theme yun lang,Ano ba akala mo?"Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin sabay yakap sakin."A-ano----".












"Sa susunod ayoko nang may iba kang kasamang lalaki,Gusto ko ako lang,Wala nang iba,".Natouch naman ako,at the same time na guilt din ako.Lingid sa kaalaman nya na nagkikita kami ni kennie,Eh kung sabihin ko na kaya sa kanya.




"Yun naman pala eh,Pinagod mo pa kami ler," komento ni jerick.








"Wag kang mag-alala,hindi ka ipagpapalit nyan".Ani yuan habang nakaakay kay trixie."Baka nga ikaw pang magpalit dyan eh".Biro pa nito.









Pinulot ni thyler ang isang bottle sa paanan nya at ibinato yon kay yuan."Asshole!" .Pero tinawanan lang sya ni yuan.Muli syamg humarap sakin."At ikaw,Wag ka na ulit pupunta dito mag-isa ,Isama mo ako".








"Yes,Ofcourse".Aniko.








At niyakap nya muli ako."Yieeeeee!!!".Huni nung tatlo.












"Nakakainggit".Namimilipit na ani trixie.Tinapunan sya ni yuan ng masamang tingin."Dukutin ko yang mata mo!".Umamba pa ito.











"Ikaw naman kasi,bakit ka maiingit?Andito naman ako".Nagulat kaming lahat ng nakawan ni yuan ng halik si trixie sa pisngi mg di nya alam."yan ,Dika na inggit".






"Tch.".natahimik ito bigla at namula.halatang kinilig.









"Kung may dapat maiinggit dito,si jerick yon,hanggang ngayon single hahaha".







Pati kami natawa sa sinabi ni yuan.At asar na asar naman ang mukha ni jerick."E di kayo na!Ako na looser,loner at napag-iwanan".At umacting pa ito ng umiiyak sabay alis.








Nagkatinginan kaming apat at nagpigil ng tawa.




"Sinumpong na naman ng tipos".Sabay halakhak ni thyler.













"Tara,sundan na natin,baka maglupasay don yun".aniko.At Tumango sila sabay lakad












Habang papaalis kami ay nakatanaw ako sa likod ko kung saan nalatago si kennie.









Nang makita kong sumilip sya samin.May sinesenyas sya sa daliri hindi ko lang maintindihan dahil kinausap na ako ni thyler.
















"1...4....3"














Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]Where stories live. Discover now