Thyler's Pov.
"Saan natin sya ngayon hahanapin,Sige nga! Tsk".
Tumalikod ako kay dein at humarap kina kennie.Bakas sa mukha nya ang galit. Napasabunot ako sa sariling ulo,Nadidismaya."Hindi ko alam kung paano sya hahanapin,Pero gagawa ako ng paraan".May awtoridad aniko.Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.Sya ang buhay ko at mamamatay ako kapag nawala sya.
"Ano ba kasing nakain ni jade at ginawa nya yon?Adik na ba yang asawa mo?".Sinamaan ko ng tingin si jerick na nahalata naman nya 'yon kaagad."Pasensya naman,I mean adik na siguro yung jade na yan".At umiwas ng tingin.
Ayoko sa lahat yung tinatawag nilang asawa ko si jade.Gayong hindi ko naman talaga sya minahal.May isang tao lang dito sa puso ko at hindi si jade yon.
Kailanman ay hindi ko magagawang mahalin ang taong nanloko sakin.Hindi ako mapakali.Anu na kayang nangyayari sa kanya?Maayos pa kaya ang kalagayan nya.
Kasalanan ko 'to eh,
Kung Simula pa lang itinama ko na ang lahat,hindi na sana aabot sa ganito.Hindi sana magsisinungalin si jade para gamitin ako.Sa pansariling motibo.Hindi ko lang alam ang eksakto."Eh kung,humingi na tayo ng tulong sa mga pulis?".Suhestiyon ni kennie.Kumunot ang noo ko at humrap sa kanya."Look,hindi natin sya mahahanap kung tatanga lang tayong lahat dito,gumawa tayo ng paraan".Tumingin sya sakin ng deretso.At animo'y isinisisi sakin ang lahat."Gumawa ka ng paraan dahil ikaw din naman ang pinagmulan ng problemang 'to".
Kung titigan nya ako ay para bang ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.Kahit naman papaano naging parte ng buhay ko si caxenn.At pati ako nasasaktan,hindi lang sya.May pakiramdam rin ako,Pero kahit saang anggulo tignan,Puro kamalian ko ang binabalik-balikan n'yo.
I feel worthless,Wala na akong nagawang tama,Ganon ako sa paningin nya.
"Tsk,Sa tingin mo ba, matutulungan tayo ng mga pulis?Sagabal lang sila sa problema,".Humarap ako sa kanilang lahat."Kaya nating lima na iligtas si cazenn,At hindi natin kailangan ang mga duwag na pulis na yon!".Asik koHindi magiging maganda ang pagsasadaloy ng paghahanap kung may kasamang pulis.Isa rin sila sa dahilan kung bakit hindi nahuhuli ang salarin.O di kaya ay sila ang dahilan kaya may nagbubuwis ng buhay.Mga pulis patola dala problema.
Dumating lang kami cazenn,Ligtas ka na.
Hindi ko inasahan na aabot sa ganito ang ugali ni jade.Pero hindi na mababago yon dahil tatak na sa kanyang minsan syang naging pasyente sa mental hospital.Nagsinungaling sya sakin.Hindi pa sya tuluyang magaling.
Kamuntikan ko nang magawa ang isang napakalaking pagkakamali sa buhay ko.At ituturing kong bangungot araw-araw.
Buti nalang at hindi natuloy.
Naaksidente sya 2 years ago.Dinala ko sya sa hospital,sa di inasahang pangyayari. May naakakilala sakin at sinabing dati syang member ng isang mental Center kung saan siya yung nag-aasist sa mga pasyente at isa d'on Si jade.Binigay nya sakin ang record ni jade sa mental hospital.Gulong-gulo isip ko non.May file record sya na nagpapatunay na naging pasyente sa isang mental Center,At kaya sya nakalaya,ay dahil tumakas sya.At don ko nalamang that time,non ang mga panahon kung saan sariwa pa ang sakit na idinulot sa kanya ni kennie.That time,her heart was broken.At iyon ang malaking dahilan kaya sya nawala sa sariling katinuan.Love really hurts.
At ngayon....
Gumagawa naman sya ng bagay na ikapapahamak ng ibang tao.Ng taong mahal ko.Pero iniwan ko,At sinaktan ko.Gusto kong magsorry.Gusto kong ibalik ang dati,Nakakalungkot lang isipin dahil hindi na pwede.
YOU ARE READING
Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]
Ficção AdolescenteStart; 09/30/17 End; 03/28/19 LOVE...Create for us. US...Is made by god. And GOD...Set us to be loved. Meet the "Center of attraction" and the "heartrob with a heartless connection". CAZENN 💜 THYLER The center of attraction and queen bee of Cr...