Cazenn's Pov.
May date kami ngayon ni Thyler,After maging kami parang lagi akong masaya,hindi na nga nawawala yung ngiti sa labi ko makita ko lang sya.
"Oh!hindi kaba magbe-break time?" Rinig kong baling ni trixie saakin
Nagmistulan pa rin akong tulala at iniisip ang damit na susuotin ko sa date namin ,ano kayang maganda?
"Huy!lutang ka ba?"
Makita ko lang yung mukha nya para akong nasa langit,sa twing pinagmamasdan ko sya Lalo akong naiinlove na kulang nalang huwag kong alisin ang mata ko sa kanya
"Hoy!Tsk,Ang hirap namang kumausap ng taong nasa iba ang utak"
Rinig kong bulong nya.
"Aray!! Haist,Bakit ba nambabatok ka?" Singhal ko
Ngumiwi ito "Para naman magising ka ,at bumalik ang kaluluwa mo,Kanina ka pa dyan Lutang!!" So,kailangan batok talaga?pwede namang kurot lang.
Tinapunan ko sya ng masamang tingin "tsk,kasalan bang mainlove?" Pabulong ko.
"Hindi,pero magiging kasalanan kung lagi kang lutang ,"
Kainis!!
Pumunta kami sa canteen para magrecess,At duon ko nakita sa di kalayuan si thyler kaya marahan akong lumapit sa kanya "Mukhang hinahanap mo ko ah!" Aniko sabay kapit sa braso nya
Mistulan naman syang nagulat sa pagkakakapit ko "Oh zenn," yon lang ang sinabi nya.
"Anong gusto mo?treat ko!" Masaya kong tugon.
"Kahit ano,basta galing sayo!"
Hindi ko maiwasan ang kiligin sa sinabi nya "Ako nalang ang maglilibre sayo,Ako boyfriend mo diba?" Tumango ako sabay ngiti .Bumili na sya ng foods namin at sabay na kumain kasama sila jerick,yuan at trixie. "Bad trip talaga kahapon ,urrgh!" Usal ni jerick na nanggagalaiti sa gigil.
Tinignan sya ni yuan "At bakit?Parang kahapon lang magkasama tayo,ang saya saya mo pa!" Pa birong tugon nya.
"Naku!jerick yang galawan mo,kilala ko na yan,tsk dahil sa babae?" Ani thyler na hinihulaan ang nasa isip ni jerick.
Tinapunan ni jerick ng masamang tingin si thyler sabay sighed "Bwisit kaseng dustpan yon eh!" Pagkalabog niya sa table na kulang nalang mahati sa gitna sa lakas.
"Sinong dustpan?" Sabay sabay naming tanong
"Dustpan,as in dustpan talaga?" Hindi pa makapaniwalang ani trixie .
"Bakit,ano ba gusto mo ,basurahan?" Sarkastikong tugon ko,inirapan nya lang ako at muling bumaling kay yuan na halos matunaw sa lagkit ,Itinuon ko ang tingin kay thyler na katabi ko ngayon sa pagkain.
Natawa ng bahagya si jerick habang may iniisip "Dustin Quevo,Fiance of Queney,I saw them yesterday na magkasama, pinalitan nya lang rin ako yung tipong kahit laggam hindi papatusin" ramdam ko sa bawat salita nya na naaasar sya,Nagseselos.
Kilala ko si queney, at alam ko rin na ex girlfriend sya ni jerick ,2nd year magka batch kami , Dati namin syang kapit bahay sa New land Yeane ,kaso simula nung lumipat kami 1 year ago,Hindi ko na sya palagi nakikita ,Kaya pala dahil engage na sya. "Bakit mo naman nasabi?".
"Yung tipo nya ,Hindi bagay sa queney na kilala ko.,"
"Selos ka lang kamo!" Sabat ni yuan ,
"Tigilan nyo na nga yan,Wala na man na kayong magagawa,jerick ,engage na yung tao,Wag ka nang umasa!" Singhal ni thyler sa kanya.
"Hayaan mo na sya,marami naman dyang iba " ani trixie.
"Tsk,hindi naman ako umaasa,"
"Eh ano?nasasaktan ka?" Ani yuan.
"Hindi ko alam ,Tsk,ang hirap ipaliwanag" sa itsura naman nya halatang nagseselos sya pero ayaw nya lang ipahalata.
"O sige na ,guys,mauuna na kami may klase pa eh!" Tumayo na ako at hinawakan sa kamay si thyler,sign na umalis na kami. Pero parang hindi nya ako pansin ,Tumayo sya at umalis
"Hintayin nyo ko,May kukunin lang ako" anito sabay alis.
Bakit kaya! Ang cold nya,May pinagdadaanan ba sya?
After 5 minutes,Dumating sya na may kasamang babae,Bigla akong kinabahan
Bakit may kasama syang babae?
"Oh! " inalok ni thyler yung girl kay jerick kaya pati kami nagulat "Sya si Janna ,Scholar student,I date mo para hindi ka na nag eemote dyan " tsk,itsura nung girl sabik na sabik sya kay jerick.
"Hi jerick,I'm janna!' Sabay lahad ng kamay nito
Nangiwi si jerick sabay nguso ,Tumayo ito at tinapatan yung janna "wag kang humarang sa daan ko Isa kang malaking bara!" Maski ako nagulat ng barahin ni jerick yung babae,
Mainit ang ulo,Pero kung nasa mood yan ,baka kanina pa inaya na makipagdate, "tsk,lakas ng tama non ah!" Bulong ni yuan
"Hayaan nyo sya ay period yata!" Sagot naman ni thyler "tara na,ihahatid na kita sa klase nyo!" Tanong nya kaya tumango ako sabay tayo.
Nagpaalam na kami kay trixie at yuan na mauuna na kami kaya yon,naiwan silang dalawa na magkasama .
Hindi ko kinuha yung bag ko dahil expected ko na dadalhin yon ni thyler para saakin ,pero nagkamali ako,mas nauna pa syang lumakad habang ako naiwan ,Haist ,Ako yung girfriend mo!
Bakit parang hindi sya gentleman ,tapos ang cold pa nya ,samantalang kanina ang sweet nya.
Natanaw ko sa kabilng building si Dein at nagkatinginan kami ngumiti ito,kaya gumanti rin ako ng ngiti ,
Dibaleng ako magdala lahat ng gamit ko,Maging akin ka lang ng pangmatagalan
Tutal weekend na rin naman ,Papapuntahin ko sila sa bahay para naman ma meet ni mom ang sinasabi kong biyfriend at tyak ko na matutuwa yon ,
Makakapagdate na rin tayo this weekend!
YOU ARE READING
Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]
Fiksi RemajaStart; 09/30/17 End; 03/28/19 LOVE...Create for us. US...Is made by god. And GOD...Set us to be loved. Meet the "Center of attraction" and the "heartrob with a heartless connection". CAZENN 💜 THYLER The center of attraction and queen bee of Cr...