Cazenn's Pov.
Isang madilim na paligid ang bumungad sakin.Tambak na mga bakal at kahoy na hindi na ginagamit.Pinilit kong gumalaw pero nakatali sa likuran ko ang parehas kong kamay .At kumikirot na ito sa hapdi dahil sa higpit ng pagkakatali.At puro sugat.
Tumutulo na rin ang pawis ko sa buong katawan.May nakapasak rin sa aking bibig kung kaya't hindi ko magawang makapagsalita.
Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran.Madilim,
Abandonado,Walang tao,Isang lugar na hindi ko kabisado.Ngayon lang ako napunta rito.Anong nangyari sakin?Anong ginagawa ko sa ganitong lugar?
Sumasakit pa rin ang ulo ko.Hindi ko maalala kung anong nangyari.Tanging halinghing lang ang nagagawa ko.At nagpupumilit na matanggal ang pagkakatali sakin.
Kailangan kong makatakas rito,Hindi ako pwedeng manitili sa nakakatakot na lugar na ito.
Pinagkiskis ko ang aking pulso para kahit papaano lumuwag ang tali rito.Pero bigo ako.Dahil sa twing tatangkain ko,Lalo lang syang sumasakit at nagkakasugat.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.Takot ako sa dilim,takot ako sa multo.Pero mukhang mas matatakot ako sa Tao mismo.
What would I do now?
Nanliiit ang mata ko ng masilaw ito.Bumukas ang isang pintuan.Kung kaya't pumasok ang liwanag ng araw na kanina ko pa hindi nasisilayan.May 3 tao ang lumapit sa kinaroroonan ko.
Dalawang lalaki na napagitnaan ng isang babae.
Itinaas ko ang aking ulo para makita sila.Pero natatabingan ang mukha nila ng liwanag.
Hanggang sa.....
Lumapit sa akin ang isang lalaki at tinanggal ang busal ko.Muli ko silang tinapunan ng tingin.Pero ang hindi ko inasahan ay nang makilala ko ang isa nilang kasama.Unti-unting nagsink-in sa utak ko ang nangyari.
Naaalala ko na.Dapat magkikita kami ni thyler nung araw na yon.Pero hindi sya dumating sa takdang oras ng pagkikita namin.Hanggang may isang van ang huminto sa tapat ko at pinilit nila akong isakay roon.At pinatulog.Pero bago ako nawalan ng malay.Rinig na rinig ko ang boses ng isang babaeng pamilyar At malapit sa akin.
Si trixie?
Bakit sya andito?Bakit iba ang kutob ko?.
Dahan dahan syang tumungo sa direksyon ko.
Nakataas ang kilay,Galit na mga mata ang ibinungad nya sa akin.Ibang-iba ang ekspresyon nya ngayon.Kung hindi ko lang kilala ang mukha nya.Aakalain kong hindi sya si trixie.Itim na itim ang kabuuan nya.At matataray na tingin ang pinakawalan nya sa akin.
Halos manlumo ako nang lumapit sya lalo sakin at bigla akong sampalin.Puno ng tanong ang buo kong pagkatao.Ramdam ko ang kirot ng kaliwa kong pisngi sa lakas ng sampal nya dito."Kulang pa yan sa lahat lahat ng kasalan mo".At inulit nya ulit akong sampalin sa kanang pisngi naman.
"A-anong sinasabi mo?Anong kasalanan?".Gulong-gulo pa rin ang isipan ko.
"Nakalimutan mo na?Pwes,Maalala mo ulit lahat lahat".Tumayo sya at pumunta sa likuran ko.Pero bago sya tuluyang umalis.may ibinulong sya sakin."Kulang pa ang kasiraan mo sa naranasan ng kapatid ko".
"Kung sino man kapatid ang sinasabi mo,Hindi ko sya kilala,At wala akong nagawang kasalanan sa kanya,kaya pakawalan nyo na ako".Asik ko.
Tumawa sya ng mala-demonyo at biglang napalitab ng pagkaseryoso."Your wrong,Kilalang kilala mo sya,At sigurado ako kapag nakita mo sya maaalala mo lahat ng kasalanang nagawa mo sa kanya".Ibang-iba na si trixie.Para syang nasapian ng masamang ispirito.
"Please,Trixie,Let me go,Pakawalan nyo na ako,Wala kayong mapapala sa akin".Halos magmakaawa na ako sa harap nya pero still,Matigas ang puso nya."Please!Let me go".
"No!".Napuno ng takot ang sistema ko sa lakas ng sigaw nya."Itong tatandaan mo,Once you gonna be gone,Our lives will going to be peace".
"P-peace?".
Umikot sya at kumuha ng sigarilyo at hinithig iyon."Yes,Peace para sa amin,Pero death para sayo,my besyfriend".
"K-kamatayan?Papatayin nyo ako?Trixie Paano mo nagagawa lahat ng ganito?Bakit ka naging masama?Hindi na kita kilala,Hindi na ikaw ang kaibigan na nakilala ko.Hindi na ikaw si trixie!." Isang malakas na sampal na naman ang ipinaramdam nya sakin.Kahit hindi ko nakikita,pakiramdam ko.Pulang-pula na ang pisngi ko sa kasasampal nya.
"Hindi ako magkakaganito,kung hindi mo sinaktan ang kaisa-isang kapatid ko".Puno ng galit ang mga mata nya."And you need to pay for that".
Kung sino man ang kapatid nyang iyon.Nakakasiguro akong hindi sila titigil hangga't hindi ko napagbabayaran ang sinasabi nilang kasalanan ko.
I can loose a friend like her.
Even we've spend more time together kaya ko syang baliwalain.Dahil all this time.Tinatraidor nya ako.She's a pretender.Nagpapanggap syang kaibigan ko pag harapan.Pero kaaway ako kung talikuran.Nilamon na sya ng galit.
Now I believe that...
Kahit kilalang-kilala mo ang isang tao,Hindi mo masisigurong totoo ang ipinapakita nya sayo,
Because people who pretender is a good hider.
Kinuha nya ang phone at may tinawagan sa kabilang linya.
"She's already awake,Ate Cj".
Kumunot ang noo ko sa narinig.
Cj?Wala akong kakilalang cj,Siguro nagkamali lang sila.Napagkamalan lang nya ako.Gusto ko pa sanang magsalita.Pero ibinalik nung lalaking nakaitim ang busal sa bibig ko.Biglang naaalala ko yung text sakin ni thyler.Hindi ba't sya yung nagpapunta sakin sa lugar na yon.At sya din kaya ang may pakana ng lahat ng ito?Pero bakit nya sinabing gusto nyang makipagkita kung ipapahamak nya lang ako?Hindi talaga nya iniisip ang mararamdaman ko.Ang selfish nya.Ang sama nila para gawin sakin to.
Kinuha nya ang itim na sling bag sa lamesa na katabi ng mga alak at sigarilyo.at kailan pa natutong manigarilyo at uminom si trixie?Muli syang nanigaryo at bago tuluyang lumabas ng pinto ay ngumiti sya sakin ng mapait.Lumapit sya sakin at hinawi ang buhok na tumatabing sa aking mukha."Parating na ang kapatid ko,Prepare your self to kindly meet her nicely".Saad nya.
Narinig kong may sinabi pa sya sa bantay na lalaki at sabay kuha ng baril nito sa bulsa."Bantayan mo yan mabuti,dahil kapag nakatakas yan,Ikaw ang papatayin ko,naiintindihan mo?".
"Yes boss".
Pakiramdam ko malabo akong makaalis dito.Pero nabuhayan ako ng loob nang maalalang nasa bulsa ko ang phone ko.
Pasimple kong inilalapit ang may tali kong kamay sa bulsa ko.At dukutin ang phone ko sa bulsa pero hindi ko iyon makapa.
Napahinto ako nang mapagtanto ang lahat.Hindi kaya nahulog yung phone ko?Naku naman kung kailan kailangan ko sya saka pa sya wala dito.
paano ako makakahingi ng tulong?Talaga bang dito na ako magwawakas?Dito na ako mamamatay?.
At ang mas masakit pa,sa kamay ng itinuring kong kaibigan.
Hindi ko pinangarap na mamatay pero kung ito na ang kapalaran ko.Ang masasabi ko nalang,PAALAM SA LAHAT NG KAIBIGAN AT KAPAMILYA KO..mahal na mahal ko kayo
YOU ARE READING
Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]
Novela JuvenilStart; 09/30/17 End; 03/28/19 LOVE...Create for us. US...Is made by god. And GOD...Set us to be loved. Meet the "Center of attraction" and the "heartrob with a heartless connection". CAZENN 💜 THYLER The center of attraction and queen bee of Cr...