Thyler's Pov.
"Ang usapan,ay usapan".Seryosong anito sa kabilang linya.
Tumango-tango ako.Binaling ko ang tingin sa kasama kong sila yuan.Tahimik lang sila at may kanya-kabyang dalang baril.
"Tutupad ako sa usapan,Ako lang ang makikita mo dyan,Ako lang" Usal ko.
"Good,Siguraduhin mo lang dahil kung hindi alam mo na ang susunod na mangyayari".May pagbabantang anito.
Binaba na nya ang kabilang linya.Kung inaakala nyang magpapauto ako sa plano nya,nagkakamali sya.
Kasama namin ngayon ang mga pulis.Humingi rin kami ng tulong rito kahit labag sa kaloonan ko.Mas mabuti raw na may back-up kami.Pero kami pa rin naman nila yuan ang susugod.In case lang na kailanganin ng tulong saka papasok ang mga pulis.Kasado na rin ang lahat.Planado na kung saan at kung paano ang pwesto nila sa pag cover ng buong paligid.
"Senyas ko ang hintayin nyo,ok?".Ani yuan sa mga pulis.
"Hindi kayo pwedeng lumabas hangga't walang sinasabi si yuan,Hindi pwedeng pumalpak ang plano natin,dahil isang maling galaw lang natin,mabubuko tayo ni jade".Seryoso at kalmado kong ani.
Nagtanguan naman ang mga ito."Naiintindihan namin sir,Basta kailanganin nyo kami,nasa paligid lang ang buong team".Anang chief nila.
Kinuha ko ang bluetooth ko.At ikinabit sa tenga.Kanya kanya na rin kami ng bluetooth para mas mabilis kaming makapagbigay ng impormasyon sa bawat isa.
"Walang magpapatunog ng sirena,Basta maayos lang dapat ang galaw natin".Dugtong ni kennie.
"Ano pang hinihintay natin,Simulan na natin iligtas ang mhiyato ng bro ko".May halong birong ani jerick."Teka,Iinom lang ako".Napailing nalang kami.Nagawa pang uminom ng juice gayong nakasakay na kami lahat sa sasakyan.
"Bilisan mo,Hindi ka VIP para hintayin!".Singhal ni yuan sabay tawa.
"Tch".
Lumapit muna ako sa sinasakyan ng mga pulis.
"Sir,Aasahan namin ang cooperation niyo,".Nakangiting tumango ito.
"Sir lopez,makakaasa kayo samin,".Diing anito."Boys,Let's go".At pinaharurot na nila ang kotseng sinasakyan.Mga nakasibilyan sila at ibang sasakyan rin ang pinagamit ko.Para hindi magawang mag wang-wang.At may dala-dalang armas.
Sumakay na rin ako sa kotse ko.
Kasunod sila yuan,jerick,dein at kennie.Binilisan ko ang pagmamaneho."Darating kami,Darating ako,mahal ko".Bulong ko.
------------------------------------------------
Cazenn's Pov.
"Saan nyo ako dadalhin!".
"Sumama ka nalang!".Kala-kaladkad pa rin ako ng lalaking nakaitim.Na kung hindi ako nagkakamali ay tauhan ni jade at trixie.Pero kahit nahihirapan ay pinipilit ko pa rin maglakad para hindi ganon magkagalos ang mga braso ko sa diin ng pagkakahawak nya.
Dinala nya ako sa itaas na bahagi ng abandonadong building.Dito may isang maliit na kwarto kung saan mabibilang ang pwedeng kumasya.Binuksan nya yon at tinulak ako papasok.
YOU ARE READING
Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]
Teen FictionStart; 09/30/17 End; 03/28/19 LOVE...Create for us. US...Is made by god. And GOD...Set us to be loved. Meet the "Center of attraction" and the "heartrob with a heartless connection". CAZENN 💜 THYLER The center of attraction and queen bee of Cr...