Cazenn's Pov.
1 year later...
"Hindi pala madaling tanggapin na makita kang may lapida". Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. "Kahit sa kamatayan, madaya ka pa rin". Hinimas ko ang pangalan nya na nakaukit sa lapida. "H-hindi mo manlang ako B-binigyan nang C-chance para mapasalamatan ka ng personal sa paglitas mo sakin".
Inakala ko dahil iniligtas mo ako. Mananatili nang 'tayo hanggang huli'. Ang daya naman kasi eh. Bakit pa kasi iniwan mo kami? Ang hirap eh, Ang hirap tanggapin. Kahit 1 year na yung nakalilipas hindi ko pa rin matanggap na iniwan mo kami ng ganun lang.
Bakit ang bilis nang pangyayari?
Alam kong masaya na sya kung nasaan man sya ngayon. Pero iba pa rin kasi kung andito sya sa lupa kasama kaming lahat. Siguradong MAS magiging masaya sya.
Ibinaba ko ang basket nang bulaklak na dala ko sa isang gilid. At tumalungko at tinanggalan ng ilang dahon ang lapida nya. "Puro tuyong dahon na 'tong Lapida Mo oh! Hahahaha------Nakakatawa lang isipin...Na andito ko at tinatanggal ang dumi sa libingan mo samantalang dati... Yung dumi mo sa mukha ang tinatanggal ko. Naalala ko pa.. Basta magkasama Tayong kumain, madalas kang may tira sa gilid ng labi mo. At ako? Pinupunasan ko yun para mas gumwapo ka. Masyadong sariwa pa sakin ang mga nangyari, Akala ko pa naman forever na tayong magkakasama, hindi pala."
Nanlabo na naman ang paningin ko. Sa tubig na unti-unting bumabalot sa mata ko.
"Pag nagkita tayo dyan sa heaven, Ido-double dead talaga kita, Nakakaasar eh..pwede mo naman iwasan yung bala, pero di mo ginawa"."Dahil ikaw ang tatamaan nang bala kung hindi sya humarang, sinakripisyo nya yung buhay nya,... Mabuhay ka lang, ganun ka nya kamahal"
Lumapit sakin si trixie at niyakap ako."kung anu man ang ginawa nya...Ginawa nya lang yon dahil kailangan. At Kung nandito sya ngayon. Paniguradong hindi nya magugustuhan na makita kang malungkot at umiiyak".Ngumisi ako. "Alam mo trixie, minsan naiisip ko..Sana hindi nalang nya ako niligtas..edi sana kasama pa natin sya ngayon..Kasalanan ko 'to eh..Kasalanan ko kung bakit nawala sya".
Bigla namanhid ang tenga ko. At pinitik pala ako ni trixie. Tinignan ko sya nang nagtatanong. Pero tinaasan nya ako ng kilay. "Hindi ka rin nag-iisip eh no? Kung hindi nya hinarang ang bala para sayo...malamang ikaw ang nakaratay dyan, at sya ang
kasa-kasama ko ngayon...Naintindihan mo?"."Okay lang". Mahinahong saad ko.
"What?". Gulat na tanong nya.
"Ok lang kako". Pag-ulit ko.
"WTF? Ano?"
Binalingan ko sya nang seryosong tingin.
"Kailangan paulit-ulit? Narinig mo naman di'ba? okay lang sakin.. Kahit ako yung andyan sa pwesto nya, tatanggapin ko. Kahit ako yung mamatay, sana nga ako nalang eh at hindi sya"
At tinignan ko muli ang lapida nya. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas nang loob ko para sabihin 'to sa harap pa mismo ni trixie. Siguro ay dala nang guilty ko. Kaya ko nasasabi Ang mga bagay na ganito.
YOU ARE READING
Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]
Teen FictionStart; 09/30/17 End; 03/28/19 LOVE...Create for us. US...Is made by god. And GOD...Set us to be loved. Meet the "Center of attraction" and the "heartrob with a heartless connection". CAZENN 💜 THYLER The center of attraction and queen bee of Cr...