DYARAAAAAAAAAAAAAANNNNNN!!! SURPRISEEEE~!!! MERRY CHRISTMAS! GAYA NG SABI KO MAY MUNTI AKONG REGALO SA INYO! ETO NA 'YON! HAHAHAHAHAHA! AKALA N'YO NA KUNG ANO, NO? HAHAHAHA~!! OH WELL, SANA NAGUSTUHAN N'YO! HAPPY READING!! 🧐😁😂😘
***********************************************************************
"SINO ba kayo? Ano'ng kailangan n'yo sa akin?" magkasunod na tanong ni Cassy sa tatlong lalaking nasa harap niya. Pauwi na siya mula sa bar kung saan siya nagtatrabaho bilang lead vocalist ng isang banda. Dahil kinausap pa siya ng bar manager ay nagpaiwan siya sa mga kasamahan niya. Habang naglalakad siya patungo sa sakayan ng taxi ay hinarang siya ng tatlong hindi niya nakikilalang lalaki. Natakot siya pero hindi niya ipinahalata. Kahit malakas ang kabog ng dibdib niya ay pinanatili niyang relaxed ang sarili.
"Miss, huwag kang matakot sa amin. Hindi ka namin sasaktan. Sumama ka na lang," anang maitim at matangkad na lalaki. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nito ay halatang halang na ang bituka nito. Gayundin ang iba pang mga kasama nito.
"Miss Beautiful, halika na. Paliligayahin ka namin," sabi ng isa, sabay halakhak.
"Puwede ba? Padaanin n'yo 'ko! Kung hindi, sisigaw ako!" pagbabanta niya. Mamamatay muna siya bago maisakatuparan ng mga ito ang masamang balak sa kanya.
"Huwag ka nang pumalag. Hindi ka namin sasaktan," sabad ng ikatlong lalaki.
Diyos ko po, tulungan Ninyo ako. Ayokong mapunta sa mga masyonget na ito! Ganoon na lang ang tili niya nang sugurin siya ng mga ito at hawakan siya sa magkabilang pupulsuhan. "Tulungan n'yo ko!" malakas na sigaw niya. Tinakpan ng isa ang bibig niya upang hindi siya makapag-ingay. Pilit siyang nagpumiglas nang simulan siyang hilahin ng mga ito papunta sa nakaparadang owner-type jeep. Lord, ipadala N'yo na po ang knight in shining armor ko! Now na po!
"Saan n'yo siya dadalhin?" tanong ng baritonong boses mula sa likuran nila.
Ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang makita niya si Leo na nakatayo at magkasalubong ang mga kilay. Nagpumiglas siya nang husto hanggang sa mabitiwan ng lalaki ang bibig niya. "Leo, tulungan mo ako!"
"Huwag kang makialam dito! Kami ang unang nakakita sa babaeng 'to!" anang maitim na lalaki. Binalingan nito ang isa sa mga kasamahan nito. "Pare, upakan mo na ang pakialamerong 'yan!"
Tumalima ang lalaki.
"Leo!" malakas na sabi niya.
Agad itong nakailag sa suntok ng lalaki. Umigkas ang kamao nito at tinamaan sa mukha ang lalaking duguan ang bibig nang bumagsak sa lupa. Binitiwan siya ng dalawang lalaki at sinugod ng mga ito si Leo. Hindi natinag si Leo sa kinatatayuan nito. Sinalubong nito ng malakas na sipa at suntok ang dalawang lalaki. Kapwa bumagsak sa lupa ang tatlo. Tila noon lang nag-sink in sa kanya ang takot at kaba. Parang hinipan ng hangin ang lakas niya kaya bigla siyang napaupo at tinutop ang kanyang noo.
"Cassy..." Nilapitan siya ni Leo at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Sinaktan ka ba nila?"
Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at mapaluha. Muntikan na siyang mapahamak. Mabuti na lang at dumating ito para iligtas siya.
"You're safe now." Hinagod-hagod pa nito ang likod niya.
"Salamat. Mabuti na lang at dumating ka."
"You're supposed to be at home by this time. Bakit nandito ka pa? Alas-tres y medya na ng madaling-araw, ah. Wala ka bang sasakyan? Mabuti na lang at hindi ko pa pinaaandar ang kotse ko. Kung hindi, baka pinagpasa-pasahan ka na ng mga sira-ulong 'yon!"
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado
RomanceSa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At...