CHAPTER SIX

8K 160 2
                                    

Hello Mga Pengkum! ^^ 

I'm back~! Not quite well but I'm recovering. Anyway mga friends, pasensiya na sa delayed update, at gaya ng sinabi ko, babawi ako as soon as I feel better. 

Happy Reading! ^^


*****************************************************************



"ANO BA naman, Cassy? Paraanin mo nga ako!" pasinghal na sabi sa kanya ni Dingdong.

Daig pa niya ang nakikipagpatintero sa bayaw niya sa gitna ng grand staircase. Sinadya niyang gumising nang maaga at pumunta sa bahay nito para makausap ito. Eksakto namang naabutan niyang bihis na ito at papasok na sa opisina. "Sige na, Kuya Dingdong, sabihin mo na sa akin," pamimilit niya.

"Huwag kang makulit. Sinabi ko na sa iyong wala akong alam. Hindi ko kilala ang Margarette na sinasabi mo."

"Weh! Echosero ka talaga! Imposibleng hindi mo kilala 'yon."

"Hay, talaga nga naman, o!" Nakukunsumi na bumuntong-hininga ito.

"Please, Kuya."

"Oo, sige, aaminin ko. Kilala ko si Margarette. Pero wala ako sa posisyon na magsalita tungkol sa kanya. What you're asking for is an invasion of Leo's personal life. Ako na mismo ang magsasabi sa 'yo, hindi magugustuhan ng kaibigan ko kapag nalaman niyang nag-iimbestiga ka tungkol sa kanya," paliwanag nito.

Hindi siya nakakibo. Alam na niya iyon. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili. May pakiramdam kasi siya na kailangan niyang gawin iyon. Napilitan siyang paraanin ito. Bago ito bumaba ay tinitigan muna siya nito, saka parang bata na ginulo nito ang buhok niya.

"Look, alam kong mahal mo si Leo. Pero kung talagang totoo ang nararamdaman mo para sa kanya, gagawin mo'ng lahat para matuwa siya sa 'yo. Hindi sa ganitong paraan. Just trust your heart and pray hard that it will lead you to the right path," payo nito sa kanya.

Tumango siya, saka nahihiyang ngumiti. Pag-alis nito ay ang Ate Chacha naman niya ang humarap sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong patunayan, Cassy. Hayaan mo si Leo kung hindi pa rin siya makakawala sa nakaraan niya. Baka sa halip kasi na nagsisimula ka na niyang magustuhan, ikagalit pa niya iyon at maging dahilan pa para layuan ka niya nang tuluyan."

Napaupo siya sa isang baitang at saka nangalumbaba. "Hay... Ewan ko ba, Ate. Nababaliw na nga yata ako, eh."

Inakbayan siya nito. "Masyado ka kasing nagma-madali. Relax ka lang. One step at a time. Magpagupit ka na lang kaya?"

Nakakunot-noong tiningnan niya ito, saka niya sinulyapan ang dulo ng buhok niya. Medyo mahaba na pala iyon at nagsisimula na ring magkaroon ng split ends. "Mabuti pa nga. Kaysa naman kung ano-ano ang pinag-iiisip ko," sabi niya.


TUMULOY si Cassy sa isang parlor pagkagaling niya sa bahay ng mga Santos. Pinabawasan niya nang four inches ang mahabang buhok niya at nagpalagay rin siya ng side bangs.

"My goodness! Lalo kang gumanda at naging sosyal tingnan, bakla," anang bading na naggupit sa kanya.

Nginitian niya ito. "Salamat." Pagkatapos niyang magbayad ay umalis na siya at naglakad pabalik sa Tanangco Street. Lumapit siya sa tindahan ni Olay nang makita niyang nakatambay roon sina Panyang—karga nito ang baby nito—Madi, at Allie.

The Tanangco Boys Series 10: Leonard ApiladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon