CHAPTER FIVE

8.6K 162 3
                                    

"HOY, LEO!" pukaw sa kanya ni Jared.

Blangko ang mukhang tiningnan niya ang kanyang kaibigan. Nakakunot-noo ito at nakatingin nang mataman sa kanya. Gayundin ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Tulala ka na naman diyan," ani Humphrey.

"Wala," usal niya.

"Ano bang wala? Kanina pa kami nagsasalita rito, hindi ka sumasagot," sabi ni Darrel.

"Pasensiya na," hinging-paumanhin niya.

"Ano ba'ng iniisip mo?" tanong sa kanya ni Ken.

Umiling siya bilang sagot.

"Hay, pare. Nasaan na ba ang dati naming kaibigan?" tanong sa kanya ni Vanni.

"I'm here," papilosopong sagot niya.

"Malaki ang ipinagbago mo mula nang mangyari ang trahedyang iyon," sabi ni Justin.

Tumikhim siya. "Can we stop talking about it, please?"

"Hindi habang-buhay ay maiiwasan mo ang issue na iyon. Darating ang araw na kakailanganin mong harapin ang nakaraan mo," sabi ni Roy.

"Pare, we want our old friend back. We miss the old you," dagdag na sabi ni Victor.

Bumuntong-hininga siya, saka inihilamos ang mga palad sa mukha niya. "Look, bakit ba hindi n'yo na lang ako hayaan?" naiinis na tanong niya.

"Leo, hinayaan ka naming magluksa. Hindi ka naman nakarinig ng kahit ano mula sa amin. Pero dapat ka nang mag-move on. Hindi mo puwedeng ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Kaibigan ka namin kaya hindi kami maaaring manahimik lang sa isang tabi habang nakikita ka naming nagkakaganyan," mahaba at seryosong sabi ni Roy.

Hindi siya nakakibo. Ayaw sana niyang aminin o sang-ayunan ang sinabi ng mga ito sa kanya pero lolokohin lang niya ang kanyang sarili kapag ikinaila niya sa sarili ang lahat ng sinabi ng mga ito. Pero sa kanya na lamang iyon. Ayaw na niyang isatinig ang pag-amin niya. Kung sana ay nasa tabi niya ang babaeng pinakamamahal niya sana ay masaya na rin siya katulad ng mga kaibigan niya at hindi ganoon na miserable ang pakiramdam niya.

"I appreciate your concern. But honestly, I'm pretty okay now," sagot na lamang niya.

Bumuntong-hininga si Dingdong. "Bahala ka, pare. Buhay mo naman 'yan. Basta kami, nandito lang sa tabi mo kapag kailangan mo."

"Salamat."

"Hindi kaya nakikita mo sa katauhan ni Cassy si—"

Naputol ang sinasabi ni Ken nang tingnan niya ito nang masama. Sinenyasan ito ni Roy na tumahimik na lang. Bago pa siya makapagsalita ay natuon na ang atensiyon nila nang dumaan ang kotse ni Cassy sa tapat ng Rio's Finest kung saan sila nakatambay habang nagpapalipas ng oras. Nasa likuran ng manibela si Cassy at mukhang papunta na sa bar kung saan ito kumakanta. An image of her during the anniversary party of his company flashed at the back of his mind. She looked stunning that night.

Pilit na iniiwasan niya ito dahil nangako siyang hindi na uli siya magmamahal. Pero parang may kung anong malakas na puwersang pilit na humihila sa kanya pabalik dito. Kapag kaharap niya ito, parang hindi na niya kontrolado ang kanyang puso. Maging ang katawan niya ay ayaw nang makinig sa isip niya. Mabait si Cassy at alam niyang mahal siya nito. Pero hindi niya maaaring mahalin ito. Masasaktan lamang ito. At iyon ang iniiwasan niya, ang makitang nasasaktan at umiiyak ito.

NAG-FILE si Cassy ng isang linggong vacation leave sa bar. Nagbawi siya ng tulog. Sa ikalawang araw ng bakasyon niya ay naglakad-lakad siya sa Tanangco Street. Nang kumalam ang kanyang sikmura ay naisip niyang kumain sa Rio's Finest.

The Tanangco Boys Series 10: Leonard ApiladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon