TBD 7

1.6K 80 1
                                    


BLADE'S

"Yes, pauwi na ako," napahilot ako sa sintido ko.

"Yes, bye."

Binato ko sa backseat ang phone ko. Ano na naman bang nangyari sa kapatid ko? At bigla na namang tila nag-aalburoto? Pagdating ko sa gate, ibinigay ko sa batang tagabantay ang susi ng kotse at siya na ang nagpark habang kinuha ng mga katulong ang bag ko.

"Asan ang kapatid ko, Manang?"

"Nasa taas ho, Young Master. Mukhang may bisita," kumunot ang noo ko. Anong bisitang pinagsasabi nito si Manang? Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at walang anumang paalam pumasok sa kwarto ng kapatid ko.

"K-kuya?" gulat na tanong nito.

"Asan iyong bisita mo?"

"H-ha? Wala, wala kuya," napalunok ito nang sagutin ako. Obvious namang nagsisinungaling siya.

"Sinasabi ko sayo, Lucky... Bawal ang boys dito, ah? Di ka pa pwedeng mag-boyfriend. Ano nga ulit iyong sinabi ko sayo noon?"

"Stay away from boys because boys bring babies."

Napangiti ako nang makuntento sa sagot nito, kaya tinapik ko ito sa ulo.

"Good. Sige, magbibihis lang si kuya," paalam ko bago halikan ito sa noo. Akmang hahakbang na ako palabas nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"HELP! HELP! HEEEEELP!" kunot-noo kong tiningnan si Lucky. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niya? Pag wala si Dad, biglang nagkakagulo?

Naki paglaban naman siya sa akin sa titigan. Ng hindi na kinaya, bumuntong-hininga siya at itinaas ang dalawang kamay.

"Fine, kuya!" sabay sukong sabi niya bago lumakad papunta sa kanyang library. Sumunod ako para mag-shortcut at buksan ang tagong kwarto, at nakita ko ang isang biometric fingerprint digital door lock sa gilid.

"How did you--"

"I made it," proud niyang sagot. Tiningnan ko siya, iniisip kung biro lang ba ito pero hindi. Shit! Are you seriously kidding me?

Nang makita kung sino ang nasa loob, nakagapos sa kama, napamura ako.

"WHAT THE FUCK?!"

Pagkatapos, tinigilan ko ng masamang tingin ang kapatid ko.

"Lucky..." banta ko.

"WHAT? I JUST TAUGHT HER A LESSON," sabay tawa niya. Ibinaling ko lang ng masamang tingin ang mata ko bago tawagin ang mga bodyguards at palayain ang kapatid ko mula sa kanyang pagkakatali. Agad akong tumingin kay Hannah na hawak ang namumulang braso.

"Are you okay?"

"MUKHA BA AKONG OKAY!?" galit na sigaw nito na ikinatawa ng kapatid ko.Ang bata bata niya pa pero nakakagawa na siya ng mga ganito? Asan ba ang magulang nito?

------

HANNAH'S

"Hoy, babae! Wag mong sigawan si kuya dahil kung di siya dumating, baka pinakain na kita sa mga daga ko," sabay irap ng batang babae.

Siguro mga siyam na taong gulang pa lang ito pero ang tapang na ng dila at parang matured na kung kumilos. Napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" siya ang nagpakidnap sa akin? Nangisayaw ang mga mata ko sa kanya. Ang bata-bata niya pa pero nakakagawa na siya ng ganito? Asan ba ang magulang nito?

"Ang bobo naman nito, kuya. Ikaw na nga kumausap diyan," sabay walkout nito, nakanganga ang bibig ko habang sinusundan siya ng tingin.

"Did your sister just call me stupid?"

–––––——

BLADES POV

"Yeah," ani ko, at tinulungan itong tumayo. Ngunit agad ko rin itong binitawan, kaya napauupo siya at masama akong tiningnan.

"WHAT THE HELL!?" sigaw niya, na nagpatawa sa akin.

"Quits na tayo," saka ko siya iniwan sa kwarto. Habang si Hannah naman ay inis at malakas na sumigaw sa loob. Gusto ko biglang ipagyabang sa tropa na naka-bawi rin ako sa pag-sampal niya sa akin. Mga ulol, kaso baka magtaka sila kung paano nangyari at kailan at higit sa lahat, ma-issue pa ako sa babaeng iyon. Nakakadiri!

Napangiti naman ako nang maalala ang reaction ni Hannah nang bitawan ko ang kamay niya kanina. Tumatawa ako habang naglalakad, mapahinto ako.

"What?" tanong ko kay Lucky, ngunit tinataasan niya ako ng kilay. Inirapan ko siya, ngunit bigla itong ngumiti. The smile looks trouble to me.

"What are you up to, Lucky?" nagbabantang tanong ko. This kid is making me old!

"What?" maang-maangan na tumawa siya at umayos ng tayo.

"Don't 'what' me, Lucky. Bakit mo siya pinadakip?" Tinataasan naman niya ako ng kilay.

"To have fun, I guess?" pinaikot ko na lang ang mata ko.

"Lucky..." nagbabantang tinawag ko ang pangalan niya habang linalabanan siya ng tingin. Para bang may gusto siyang basahin sa mga mata ko, pero sa huli, ako ang umiwas ng tingin at...

"You know what? Whatever. Do what you want. Pero, wag mo akong idadamay diyan sa mga laro mo," saka ko siya pinanlakihan ng mata.

"Anong laro ba pinagsasabi mo, kuya?" sabay irap nito, na tila naiinis sa pag ngisi ko. Akala niya ha! Hindi niya ako matatalo.

Kahit siya'y siyam na taong gulang pa lang, marunong na siyang gumawa ng mga bagay na dapat lang gawin ng mga matatanda. Parang kaya niyang gawing impiyerno ang buhay mo sa isang iglap lang.

Kayang-kaya niyang makipagsabayan sa iyo at gawin ka niyang libangan.

Lalo na kapag aliw na aliw siya sa iyo, gagawin ka niyang laruan.

Pero alam ko na darating ang panahon na makakahanap siya ng sariling katapat. Hinahayaan ko lang kasi, kahit pag-sabihan ko siya, hindi rin naman siya makikinig.

Kahit si Dad na presidente ng Pilipinas, walang magawa sa kaniya. Isang beses, talagang napagalitan si Lucky ni Dad kasi hinack niya ang database ng Armed Forces of the Philippines. Alam na niya lahat ng impormasyon at misyon, at ang rason? Dahil may hinahanap daw siya. Galit na galit si Dad. Sa murang edad ni Lucky, sobrang talino niya talaga. Akala nga nila Dad sa akin natutunan ni Lucky lahat ng nalalaman niya, pero hindi naman! Mana-mana lang yan pareho kaming gifted.

Naglalaro pa rin naman siya ng mga dolls, pero minsan lang. Madalas talaga, kung ano-ano pinagagawa niya. Minsan nga, nag-aalala ako kasi baka sa sobrang curious niya, magkamali siya o mapahamak. Hindi pa naman siya nag-iisip o pinag-iisipan ng mabuti ang desisyon niya kasi naniniwala daw siya sa instinct niya.

Ayaw na ayaw niyang pinagsasabihan siya, at pinag-uuutusan siya, gustong-gusto niya siya ang palaging masusunod. Gustong-gusto niyang nilalabag ang mga rules. Kapag ayaw mong gawin niya ang isang bagay, lalo siyang gaganahan na suwayin ka. Minsan nga, gusto ko na siyang isako at ihagis sa bangin.

Hindi ko na lamang ito sinagot at nauna ng umakyat sa hagdan. Fine. Wala naman siyang maipapang-blackmail sa akin. Bahala siya.























--------

Leave a comment kung anong opinion niyo sa story ko kung nagustuhan niyo ba o hindi and please click the star thank you :)

The Billionaire's Daughter (Valeria Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon