TBD 14

1.3K 57 2
                                    


Valentine's Day

"Ano ba! Huwag nga kayong magulo!" natawa naman lalo ang dalawa habang inaasar ako na mas lalo kong ikinainis.

"Mamaya ka na lang mag-aral, Hannah. Ano ba yan? Wala namang klase ah? Valentine's na Valentine's, pag-aaral pa rin ang inaatupag mo? Hay, ibang klase talaga."

Inirapan ko sila.

"Rex, pa sabi nga, sakanila, na kung pwede, tumahimik sila?"

"Hannah," huminga ako ng malalim.

Pati ba naman siya?

"Okay, guys, what do you want?" sumukong binaba ko ang libro ko. Kanina pa sila sumusunod sa amin ni Merida, kinukulit ako ng sobra-sobra. Hindi ako makapag-focus sa pag-aaral dahil sa ingay nila.

"Pwede ka bang maging partner ko sa ball mamaya?"

"Teka, may ball ba?" tiningnan ko si Merida na napakamot sa ulo.

"Iyon nga sana sasabihin ko sa'yo kanina, Hannah, eh kaso ayaw mo magpaistorbo."

"Required ba?"

"Oo, may plus points daw."

"Okay," gulat na napatingin sa akin ang tatlo, lalo na si Zach.

"TALAGA?—"

"Hoy, ang unfair mo naman, Hannah. Bakit ako hindi mo pinansin—?" tiningnan ko si Zach, saka tinaasan ng kilay.

"Obviously, kasi hindi kita type."

"So, type mo si Rex?" nanlalaki ang mata ko, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"H–hindi no!"

"AYIEEEEEEE!!" binigyan ako ng nanunuyang tingin nila Nash, ikinapula lalo ng pisngi ko.

"SHHH! QUIET, TABLE 13!"

"Guys, wag niyo nga asarin si Hannah," pero mas lalo lang nila kaming inasar, lalo na nang palabas na kami ng library.

"Anong meron?"

"Ah, eto kasing si pareng Rex, date mamaya si Hannah sa ball. At eto namang si Zach, nainggit hahha," na ikinapula nanaman mukha ko.

"H–hindi iyon date no! Sabi niyo partner lang!" Sabay tingin ng palihim kay Blade.

"OH, bakit ka sumisigaw?" tunog ng asar na naman. Inis na napakamot ako.

"Nakakainis ka na, Nash ha!"

"Tss. Akala ko naman kung ano na," tiningnan ako ni Blade ng mariin bago inirapan at umalis. What the hell?

Problema ng Blade na iyon!?

Hindi ba siya magwawala at magseselos? Respeto naman sa nararamdaman ko Diba?

Tiningnan ko naman ang mga kasama ko na nagkibit-balikat, habang si Merida ay ngumingiti. Isa pa ito, eh! Problema nito? Anong problema nilang lahat?

"Oh, paano mamaya, Hannah, ah? Sunduin ba kita?"

"Hmm..."

"Oh, sige, text na lang kita."

"Oh!" gulat na gulat na pumunta ako sa upuan ko.

"Sino naglagay nito?" tanong ko sa katabi ko.

"Ha? Ehh.. ano.. Mga naka-itim na suit eh."

Napangiti ako.

Sino naman kaya magbibigay sa akin ng sobrang laking cookies and cream na ice cream, tiyak na Oreo?

Sino kaya ang nagbigay nito? Bakit kaya hindi niya binigay nang harap-harapan?

The Billionaire's Daughter (Valeria Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon