TBD 11

1.1K 58 0
                                    


Diary

"I'm busy."

TOOT. TOOT.

"Oh, anong sabi?"

"Busy daw eh."

Kunot-noo si Blade at padabog na umupo. Mababaliw na siya kakaisip at pag-aalala kay Hannah.

"OH MY GOD!"

"Bakit?"

"Ni-text ko si Suzy at tinanong kung anong nangyari kay Hannah. Napagalitan daw kasi 50 lang ang nakuha niyang marka sa exam."

Nagulat si Blade nang biglang umiyak si Merida.

"H-hoy, bakit ka umiiyak? Isipin pa ng mga tao pinapaiyak kita!" Pero hindi siya nito pinansin.

"Tsaka ano naman kung pagalitan siya—"

"Hindi mo kasi naiintindihan, Blade. Valeria si Hannah kaya kailangan wala siyang nagagawang mali. Galing si Hannah sa mga perfectionist na pamilya. Nag-aalala ako kung ano ang ginawa nila kay Hannah."

Naalala ng dalaga kung paano ito umiyak sa kaniya at humingi ng tulong dahil papagalitan daw ito ng ina. Dahil ang marka na nakuha ng kaibigan sa test ay 85 lang.

"Sabi ko 100!" napanganga ang dalaga nang sampalin ni Mrs. Valeria ang kaniyang anak.

Umiiyak naman ang kaibigan niya habang nakahawak ito sa sobrang pulang pisnge nito.

"Natalo ka noong Francis na iyon! Kailangan grumaduate ka nang 1st honor! Hindi tama na pangalawa ka lang!" Inis na napapadiyak si Mrs. Valeria bago dinuro ang kawawa niyang kaibigan.

"Ayusin mo iyan, Hannah."

"Nakakatakot ang pamilya ni Hannah, Blade..." As Blade absorbs Merida's words, his mind races with concern for Hannah. With a determined look, he rises from his seat, his gaze fixed on Merida.

"We can't just stand by and watch, Merida. We have to do something," Blade declares, his voice firm with resolve.

Merida nods in agreement, wiping away her tears. "But what can we do? We don't even know what's really going on."

Blade sighed feeling helpless.

7:30 PM

Ang binata ay titig na titig sa diary ni Hannah Valeria.

"Galing si Hannah sa pamilyang puno ng mga perfectionist."

"Nakakatakot ang pamilya ni Hannah Blade."

Paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang binitiwan ni Merida kanina.

Kaya naman nagdesisyon siyang basahin na ang diary ngayon.

Nagulat din siya nang ibigay ito sa kaniya ng katulong pagkatapos nitong linisin ang kaniyang kwarto.

PROPERTY OF HANNAH DAERIEL VALERIA.

Napangiti si Blade. Mukhang matagal na itong diary dahil pambata ang sulat, ngunit kahit ganoon, malinis ito at maganda rin ang pagkakasulat.


December 25,2xxx

Dear santa,

Sana po bigyan niyoko ng matatas na grades this year, next year,every year. Ayoko na po ng toys yun nalang po ang wish ko. Para po matuwa si mommy at huwag niya na akong paluin

The Billionaire's Daughter (Valeria Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon