ENTRY XV

29 7 0
                                    

• • •
'Tagong Relasyon'


In fictions, it takes worse mistakes for a protagonist to get hurt physically and mentally. But in real life, it only takes a small distances, sweet smiles, and small talks with others for them to get hurt and jealous.

"Sabrina."


Napatingin ako kay Pearl ng tawagin niya ang pangalan ng girlfriend ko.

Itinuro niya ang lalaking lumapit at umupo sa kabilang banda ni Sab. Napakunot-noo ako at nakaramdam ng kaba sa inasta niya.

Nasa debut kami ngayon ng kaibigan namin. Kasama namin ang iba pang malapit na tao sa debutant.

Kilala ko na ang lalaking tumabi sa kaniya. Base sa narinig ko, matagal na itong may gusto kay Sabrina.

"Hey," rinig kong panimula ng lalaki.

"Uyy. Musta?"

Nakaramdam ako ng selos ng makita ang lapit nila sa isa't isa. Iwinaksi ko iyon at inilapit ang upuan ko palapit kay Sab, nakita ako ng lalaki.

"Ayos lang," sabi nito bago inilapit ang mukha at bumulong sa taenga ni Sab.

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko sa ginawa niya. Gusto ko siyang kuwelyuhan at ihagis sa malayo.

Can't he see that she's with me? That's my girl, for pete's sake!

Sinalubong ko ang mga mata ni Sab ng tumingin sila sa akin.

"Kaibigan ko," mahinang sagot niya sa lalaki habang nakatingin sa akin.

I don't want to assume but I think he's asking about me. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

I think I know what he'd asked.

Pilit akong lumunok at inalis sa kanila ang paningin ko. Ramdam ko na ang pamamasa ng mga mata ko. Kinuha ko ang alak na nasa harapan ko at walang pasubaling nilagok iyon.

Nakita ko ang pag-alis ng lalaki sa peripheral vision ko.

"Hindi ba't sinabihan kitang bawal uminom?" Inis na sabi ni Sabrina sa 'kin gamit ang mahinhin niyang boses.

Hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa alak. Iniyakap niya ang braso niya sa akin.

"Uyy. Nagseselos ka ba?" malambing na tanong niya.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko ng hindi siya nililingon.

May palagay ako pero ayokong tanggapin iyon. Gusto kong marinig mismo sa kaniya.

"Tinanong niya kung ano raw ba kita."

Suminghap ako bago yumuko at isinandal ang ulo sa mesa para hindi makita ang unti unting panlalabo ng mata ko sa mga nagbabadyang luha.

"O-okay ka lang ba?"

"Anong sabi mo?" mahina kong tanong.

"Sinabi ko na kaibigan kita," mahinang sabi niya.

Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Nanuot ang sakit sa dibdib ko.

Ang sakit pala kapag harap-harapan kang itinanggi.

"Sorry na. Natakot lang ako na baka magsumbong siya sa mga kakilala natin. Baka makarating pa iyon kila mama. Alam mo naman iyon diba? Hindi nila alam na may jowa ako, tapos katulad ko ring babae," pagdadahilan niya.

Alam ko naman iyon. Isa iyon sa mga tiniis ko ng ligawan ko siya. Alam kong hindi siya katulad namin. Babaeng-babae siya. Sa katunayan ay ako ang babaeng una niyang pinatulan.

Masaya ako ng sinagot niya ako pero may kaakibat ding sakit sa tuwing ikinakaila niya ako sa ibang tao.

"Puntahan ko lang sila," sabi ko bago umalis at sinamahan ang mga barkada namin na kasalukuyang nagsasaya at sumasabay sa musika.

Pinilit kong ngumiti kahit na parang sinasaksak na ang puso ko sa sobrang sakit.

Tanggap ko. Alam kong ilang beses niya na akong ipinagkaila. Pero ito ang unang pagkakataon na ipinagkaila niya ako sa mismong harap ko. At sa kasarian pang kinaiinggitan ko.

------

Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now