Entry XIX

12 2 0
                                    

• • •

'A Heart For Two'


I was busy scrolling through my phone when a post from someone, caught my attention.


Napatingin ako sa may bandang ibaba ko bago ibinalik ulit ang atensiyon sa binabasa. Napanguso ako ng matapos basahin ang kabuuan.


They're cute. I want to try it too.


Ibinaba ko ang hawak kong phone at naglakad papunta sa cr. I closed it and waited a few minutes to call Rad.


"A-aray! Rad!" Tawag ko sa namamalipit na sakit habang nakahawak ng mariin sa may bandang puson ko.


Hindi naman na ako naghintay ng matagal dahil agaran siyang pumunta sa kinaroroonan ko.


"What is it? What's wrong?!" Malakas at hingal na tanong niya mula sa labas. Mukhang napatakbo pa dahil sa sobrang pagmamadali.


Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng tawa.


*cough*


"R-rad. May dugo" bahagyang nanginig ang boses ko sa pagpipigil na tumawa.


"What? Damn! Open this door!" Tarantang utos niya.


Bahagya akong napatalon ng malakas niyang hampasin ang pinto. Agarang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya.

"Ano ba?! Dahan dahan ka nga!"


"I'm sorry. But please, open this door baby. I want to see if you're okay" malambing at may halong pagmamakaawang sabi niya.


Bahagya akong nakonsensiya kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto, sapat lang para makita niya ako.


Kaagad niyang hinanap ang mga mata ko bago sinilip kung anong nangyayari sa loob.


"Okay lang ako. Don't worry. I only need s-something" tipid akong ngumiti sa kaniya. Pinagkunutan naman niya ako ng noo.


"Are you sure?" Paninigurado niya. Tumango naman ako.


"What do you need, then?" Napangiti ako sa lambing ng boses niya.


"Uhh kasi..." hindi siya kumibo at hinintay akong matapos.


"I need napkin. Can you please, buy me one?" Mahinang sabi ko habang kinakagat ang ibabang labi.


Ilang sandali niya akong pinagmasdan.


"Napkin?" Ulit niya. Tumango ako.


"Uh, you mean table napkin? Tissue?" Hindi siguradong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Sanitary napkin" mariing sabi ko.


Nagtataka siyang tumingin sa akin. Seriously? I thought he's smart?


"Rad. I need sanitary napkin!"


"What will you do with it?" Inis na tanong niya.


"Bobo ka ba? Ano pa ba sa palagay mo ang ginagawa sa napkin?" Iritang tanong ko.


He heaved a sigh. I know he's trying to control his anger towards me. Namasa ang mata ko sa umaambang luha ng maisip na nagagalit siya sa akin.


"Huwag na lang pala" mahinang sabi ko at lumabas ng cr.


Yumuko ako para hindi niya makita ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.


"Baby..."


Sinundan niya ako ng umupo ako sa kama, nakayuko parin.


"Hey" mahinang sabi niya at umupo sa paanan ko.


Marahan niyang inangat ang ulo ko. I can see guilt in his eyes when he saw mine. Mabilis ko namang pinalis ang luha ko.


"Bakit ba kasi ayaw mo akong ibili ng napkin? Hindi mo na ba ako mahal?" Nagsimulang magsilaglagan ulit ang mga luha ko.


Tumulong naman siya sa pagpunas sa luha ko habang may sinusupil na ngiti sa labi.


"Bakit ka nakangiti? Hindi mo na ba talaga ako mahal? May iba na ba, ah?! Buti pa yung babae sa nabasa ko. Binili siya ng napkin ng boyfriend niya kahit na nakakahiya iyon. Pero ikaw..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at nag umpisa ulit maiyak.


"Shhh, tahan na." alo niya.


"Ilan ba ang gusto mo?" Napatingin ako sa kaniya.


"H-huh?" Hikbi ko.


"Ilan bang gusto mong napkin?"


"K-kahit isa lang" mahinang sabi ko. Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko.


"Alright. Wait for me" sabi niya bago hinalikan sa noo ko.


Dumapo ang isang kamay niya sa tiyan ko at inilapit roon ang mukha niya.


"Hello, my baby. Alis muna saglit si daddy, okay? Bibili lang ako saglit para hindi na umiyak si mommy," bulong niya sa tiyan ko at marahang hinalikan iyon.

°°°°°°°°

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now