• • •
'Possesive(?)'"Thank you."
Maikling turan ko ng pagbuksan niya ako ng pinto at nagdire-diretso papasok sa fastfood chain na pinuntahan namin.
"Grabe talaga. Hindi ka ba marunong maghintay?! Parang wala ako dito kung umasta ka," inis na daing ni Kyo. Tinapunan ko siya ng masamang tingin."Manahimik ka nga. Ang arte arte mo," sagot ko bago siya inirapan.
Pagkapasok palang sa kainan, naramdaman ko na agad ang lamig na dumampi sa balat ko. Naka- oversized T-shirt lang ako at short. May kanipisan rin ang T-shirt ko kaya damang dama ko parin ang lamig.
Hinipan ko ang mga palad ko at pinagkiskis bago hinawakan ang braso ko upang magsilbing init.
Napatingin ako kay Kyo ng ipatong niya sakin ang kaninang suot na jacket.
"Ano ba kasing trip mo at naisipan mong magshort ng ganiyang kaikli? Ang dami daming pwedeng suotin iyan pa," bwisit na sabi niya.
"Pwede bang tumahimik ka? Daig mo pa ang babae sa kadaldalan mo," bwisit ring sabi ko.
"Tss. Gusto mo lang niyang mang-akit, e," nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya.
Tinignan niya ako na parang naghahamon. Hindi ako nakapagpigil at binatukan siya.
"Aray naman!"
"Iyang bibig mo ah, baka maputol ko iyan!" ngumuso siya habang hinihimas ang parteng binatukan ko.
"Kasi naman... aish! Umupo ka na nga lang! Ako na ang oorder!" Inis na sabi niya at dumiretso sa may counter.
Ako naman ay naghanap ng magandang pwesto para upuan namin. Kasalukuyan ko siyang hinihintay ng may kumuha sa atensyion ko.
"Fatima?"
Bahagyang sumikdo ang puso ko ng makita si Vernice, ang ultimate crush ko noong high school pa ako.
"Uyy! Musta?" Masayang bati ko sa kaniya. Authomatic akong napangiti ng todo ng ngitian niya ako.
Ang gwapo niya!
"Okay lang. Ikaw? Matagal na rin ng huli kitang makita," sabi niya habang umuupo sa kaharap kong upuan.
"Oo nga. Medyo busy narin kasi. At isa pa, hindi tayo parehas ng school ngayong college," mahinhin ko iyong sinamahan ng tawa.
"OY! ANO IYAN AH?!" Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko ng biglang sumulpot si Kyo.
Padabog niyang inilapag ang tray ng pagkain at pinanlisikan ng mata si Vernice.
"Sinong may sabing pwede kang umupo diyan?! Alis!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
No!
"Sorry pre," mabilis namang sabi ni Vernice at umalis.
"V-Ven, wait l-lang," pigil ko pero huli na, nakaalis na siya.
Tinignan ko ng masama si Kyo, ngising-ngisi siya habang nakatingin sa papalayong si Ven.
"Ano bang trip mo ah?!" Iritang tanong ko.
"Wow naman, ikaw pa talagang may ganang magalit? Umorder lang ako doon tapos may kausap ka na agad? Hindi mo man lang ako nirespeto," inis ring sabi niya.
Napatampal ako sa noo ko.
Kaasar! Feeling fafa din ang isang 'to!
"Oy bakla, ano bang trip mo ah?! Andun na ako e, konti na lang magkaka-jowa na ako. Bakit kailangan mong umepal?!"
Napangiwi siya sa sinabi ko at tumingin sa ibang tao.
"Huwag ka ngang maingay! Jombagin ko iyang bunganga mo e," mahina ngunit may diing aniya at inirapan ako.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
Siya pa may ganang magalit?! Ako na nga itong pinagkaitan niya ng jowa!
°°°°°°°°°°
Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊
YOU ARE READING
Mind Pieces: A Compilation Of Short Stories
Novela JuvenilThis is the compilation of my One Shots stories that I originally wrote and posted on my Rp/writer account on Facebook. If you're finding for a story that you can finish within a single amount of time, this is the best book for you! It contains a di...