ENTRY II

25 3 0
                                    

• • •
'English Only, Please'


Huminto kami sa paglalakad ng makakita ng babae na  nasa harapan ng isang room. Kasalukuyan naming hinahanap ang room para sa mga students na magt-test for BS Psychology.

8:30 ang start ng test but here we are, still searching. It's already 8:27 but we can't still see our designated room.

I let my friend to ask the girl while my eyes are roaming around the area. Ang talagang hinahanap ko sana ay isang estudyante na tiyak na makakapagsabi samin sa kung saan dapat kami magpunta pero dumapo ang paningin ko sa kay kuyang naka-earphone na nakaupo sa may bench.

Nung una, nadaanan lang talaga siya ng mata ko hanggang sa mapa-second look ako. Nung hindi ko pa masyadong na-imagine ang hitsura niya ay napatingin ulit ako sa kaniya sa ikatlong pagkakataon.

I'm not really into boys. Hindi ako 'yong tipo ng babae na kaagad nagkakagusto sa gwapong lalaki, pihikan kumbaga.

But this one boy caught my attention. I don't know why. Maybe because of his position or his blank expression. He's like one of those protagonist that I'd read in wattpad.

He's wearing an earphone while his head is resting on the bench's jamb. Patagilid siyang nakaupo sa bench habang seryosong nakatingin sa malayo.

He's wearing a mask but still, ang lakas ng dating niya. Yung tipong gugustuhin mo siyang titigan habang wala siyang kamalay malay.

Then suddenly, he looked at my direction.

Kaagad kong inialis ang paningin ko sa kaniya at tinignan ang kaibigan ko na nagtatanong parin.

Nakita ko ang pagtanggal niya ng earphone mula sa peripheral vision ko habang nakatingin parin sakin. Nakaramdam ako ng halong kaba at excitement ng mapansing papalapit siya sa pwesto namin ilang saglit pa bago kami pagmasdan.

"Uh, hi?" Salitang nagpakilig ng todo sa sistema ko.

I seriously don't know how to act so I only stared at him, puzzled.

"Are you looking for something? Or someone, perhaps?"

"A-ah. Hinahanap kasi namin yung room para sa mga magt-test ng BS Psych. Alam mo ba?"   He frowned.

"What?"

Natulala ako sa mukha niya ng ma-realize na hindi siya nakakaintindi ng tagalog. Dahan-dahang nawala ang kabang nararamdaman ko. Bago ko pa napigilan, bumuka ang bibig ko.

"Crush na ata kita" matapang na sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

"What the hell are you saying?"

"Mali, gusto na kita" He frowned again.

"Pardon, please? This time, in english," mahina akong natawa.

"Where is the designated room for BS Psychology's examination?" Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin, na kalaunan ay nauwi sa tawa.

Sh*t, kaya kong pakinggan iyon ng buong araw ng hindi nagsasawa.

"I don't think it is right"

"Huh?" Takhang tanong ko.

"Can you translate something for me?"

"Oh. Sure sure" ngising sabi ko habang patuloy paring tinititigan ang mukha niya.

"What is 'gusto rin kita' in tagalog?" Napatanga ako sa sinabi niya.

"W-What... but it's already t-tagalog" nginisihan niya ako bago sumagot.

"Oh. My bad. Nakalimutan kong marunong pala akong magtagalog"

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko, umakyat na sa pisngi ko ng dahil sa sinabi niya. I don't know what to say. He makes me speechless.

"So miss, can I get your number?" Nakangiting sabi niya, dahilan ng pagngiti ko.

"Sure"

"Anong sure pinagsasasabi mo diyan?" Tanong ng kung sino.

"Sure, pwede mong kunin number ko" nakangiti ko paring sabi.

Biglang nawala ang ngiti ko ng may malakas na bumatok sa akin.

"Pinagsasasabi mong bruha ka ah? Naliligaw na nga tayo nagawa mo pang mag-daydream diyan? Aba lakas din naman ng loob" panghihimutok niya.

Doon ko lang naipalibot ang mata ko.

Nasa parehong lugar parin kami. Iyon nga lang, wala na 'yong babaeng kausap niya.

At wala na rin si kuyang nakaheadset na hindi ko sadyang nagawan ng imahinasyon sa utak ko.

Taena, akala ko totoo na.

°°°°°°°°°°
Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now