ENTRY VIII

17 3 0
                                    

• • •
´Story Re-telling'


Alam naman natin na sobrang sumisikat ngayon yung 'He's Into Her' dahil sa nababalitang movie or teleserye niya.

Isa ako sa mga adik sa HIH. Yung tipong magbabasa ako mula umaga hanggang gabi (ganoon po ako kawalang kwenta samin) para lang matapos ko siya.

Kabisadong kabisado ko na halos lahat ng mga lines nila dahil inuulit ulit ko lagi.

So ayun na nga hahaha. To make it fast, naisipan ng prof namin sa Creative Writing na doon nalang i-base yung magiging exam namin. Syempre, sayang saya ang ate niyo dahil kabisado niya iyon.

Skl, may crush ako sa isang schoolmate ko, siya yung rank 1 namin. Matalino, guwapo, mabait. Basta alam niyo na, yung mga tipikal na ugaling nagugustuhan ng mga babae sa isang lalaki.

So ayun nga, nung sinabi ng prof namin yung about dun, todo reklamo siya na hindi niya daw alam iyon. Wala na siyang oras para basahin lahat ng season dahil ilang araw nalang din, exam na namin.

So si ate niyong medyo malandi, nagpabida ng hindi halata. Pinagyabang ko sa katabi ko kung gaano ko ka-kabisado yung story, nilakasan ko yung boses ko para marinig ni crush.

Then after noon, lumapit siya sakin!

Pa slow motion pa noong tumingin ako sa kaniya at umaktong mahinhin. Tinanong niya ako kung pwede daw ba na tulungan ko siya. Syempre, sino ba ako para tumanggi? Kaagad akong um-oo sa sinuggest niya na ikwento ko iyon sa kaniya tuwing free time namin.

So doon na nagstart. Sabay kaming nagr-recess at nagl-lunch. Magkasama rin kami tuwing SEA namin.

Sa lahat ng pagsasama namin, hindi naman laging HIH ang pinag uusapan namin, pasimple kong inaalam yung mga bagay na hindi alam ng iba naming kaklase sa kaniya.

Because of that, naging close kami. Yung tipong close na nagt-text at nagt-tawagan kami para kamustahin kung anong ganap sa bawat isa.

Laging ganoon hanggang sa dumating yung time na exam na namin. Nalungkot ako kasi mukhang matatapos na rin yung mga ginagawa namin, wala na akong maidadahilan para makasama siya.

Naging successful naman yung ginawa kong pagk-kwento sa kaniya. Ang taas ng nakuha niyang score.

After ng test namin is recess. Tamad akong tumayo at inaya ang mga kaibigan ko para kumain kasi expect ko narin na hindi na kami magsasabay sa pagkain.

EH KASO MGA TEEE! PALABAS NA AKO NG PINTO NG HILAIN NIYA KAMAY KO AT TINANONG KUNG SAAN AKO PUPUNTA!

Yung puso ko nun parang hinabol ng aso. Sinabi ko sa kaniya na magr-recess then sabi niya sabay daw kami. May gusto rin daw siyang ikwento na story sa akin.

Kaya ayun at sabay na naman kaming kumain. Sobrang tahimik niya masyado. Dinadaldalan ko siya pero isang tanong isang sagot lang.

Nawalan na ako ng gana nun dahil hindi niya ako masyadong kinakausap pero pinilit ko parin na kumain.

Pasubo na ako ng bigla siyang tumikhim. Tinignan ko siya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Sisimulan ko na yung kwentong alam ko" bigla akong kinabahan ng sinabi niya iyon.

Pagkasabi palang niya sa isang boy and girl na naging malapit ng dahil sa isang story, parang nahihimatay na ako. Alam ko sobrang assuming ko pero feeling ko talaga kami iyon.

Mas lalong tumindi ang kutob ko ng magpatuloy siya.

Ayon sa kaniya, alam daw talaga ni boy yung story. Nagpatulong lang daw siya sa girl dahil may gusto siya rito. Sa mga araw na magkasama raw sila, mas nakilala niya si girl at mas lalong nagkagusto siya rito.

Sobra sobra yung pagpipigil ko sa kilig na nararamdaman ko. Tugmang tugma sa kung anong nangyari samin.

Hanggang sa sinabi niyang nalungkot yung boy dahil wala ng dahilan para makasama niya si girl. Kaya ang ginawa niya ay nilakasan niya ang loob niya at niligawan si girl.

Biglang nawala yung kilig na nararamdaman ko. Napa-whut talaga ako sa isip ko dahil wala akong maalalang niligawan niya ako.

Habang iniisip ko iyon, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Titig na titig siya sa akin then after noon, sinabi na niya yung cause of death ko.

Tinanong niya ako kung pwede daw bang manligaw. Syempre sino ba ako para tumanggi? Um-oo na ako na maging girlfriend niya kahit hindi pa niya iyon tinatanong.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na iniwan ka ng mahal mo.

°°°°°°°°°°°°

Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now