ENTRY I

31 3 0
                                    

• • •
'How To Mend A Broken Heart?'


"Brix, how can I mend your broken heart?" Tanong ko sa crush kong si Brix na busy sa cp niya. Tinignan niya ako ng may halong kaguluhan sa maamo niyang mukha.

"Huh?"

"How to mend your broken heart?" Pabirong ulit ko. Mahina siyang natawa at umiling.

"Para kang timang"

"Paano nga? Gusto mo bang sungkitin ko ang mga bituin sa langit? Gawan ka ng isang daang tula? Kantahan sa harapan ng maraming tao? Mahalin ka ng buong buo?" Nakangiti ngunit seryoso kong tanong sa kaniya.

"Ano ako? Babae?" Natatawa niyang sabi.

I smiled while looking at his laugh and smile. Mga tawa at ngiting hindi umaabot sa taenga. I know he's still not okay. There's a part of him that longing for that girl.

----
"Keith. Here."

Napatingala ako at napatingin kay Brix na may hawak hawak na ice cream. Hindi ko kaagad nakuha iyon dahil sa labis na pagkabigla.

Pabiro niya akong siniko sa braso habang inaabot parin ang isang kapa ng ice cream.

"Mukha kang timang diyan," tawa niyang sinabi. Napangiti ako ng makaramdam ng kaunting pag asa.

I can see his happiness.

A true happiness that reflects his eyes and can reached his ears. Kinuha ko ang inaabot niyang ice cream sa 'kin.

"Ang saya natin ah?" Nakangiti kong sabi.
"Iyan na ba 'yong ngiting hinihintay ko? 'Yong ngiting nagsasabing 'pwede mo na akong landiin, Keith'. Iyan na ba?" Dagdag kong biro na ikinatawa niya.

Tumawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute mo talaga," nanggigigil na sabi niya bago ako iniwang nakatanga at hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Kaagad ko siyang sinundan. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang iniisip ang mga katagang gusto kong sabihin.

Mga salitang hindi ko masabi dati dahil alam kong hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya.

Pero ngayon, nang makita ko ang kislap sa mga mata niya, bigla akong nabuhayan ng loob. Bigla akong nagkalakas ng loob para umamin.

"Brix!" Huminto naman siya at nakangiti akog hinintay.

"Pwede bang..." nagtaas siya ng kilay.

"P-pwede na ba?"

"Huh?"

"Brix. Siguro naman kahit papaano may napapansin ka. Kung inaakala mong biro 'yong mga sinasabi ko sayo, para sa akin, totoo lahat ng iyon," hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Brix. Gusto kita. Matagal na." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Ibinuka niya ang bibig niya na parang may sasabihin. Pero ilang minuto lang ay sumara ulit iyon at napaiwas ng tingin. Bumuga siya ng marahas na hangin bago ulit ako tinignan.

"Keith. I'm sorry but I can't give you what you want," naramdaman ko ang sakit na bumalatay sa kaloob looban ko.

"Why? May nahanap ka na bang iba? May iba bang nakakuha ng atensiyon mo? Sino? Kilala ko?" Sunod sunod kong tanong sa labis na pagkalito.

"I can finally see your genuine happiness, Brix. Hindi tulad ng dati na tumatawa ka pero malungkot naman iyong mga mata mo. And it only means that you already moved on or you're inlove with someone else."

"Wala. Walang iba, Keith."

Nalilito akong tumitig lang sa kaniya. Hinihintay ang paliwanag niya.

"Kami na ulit," malungkot siyang ngumiti sa akin. "I'm sorry," dugtong niya at iniwan ako.

I laughed without humor. Looked above to stop my tears from falling.

How to mend someone's broken heart?

Easy.

Bring back the same person who destroyed it.

°°°°°°°°°°°
Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now