ENTRY XIV

24 3 0
                                    

• • •
'Young, Dumb and Sweet'

"Bilisan mo, Vien! Nandiyan na siya!" Tarantang utos ni Santi sakin.

Sumilip ako mula sa pader ng corridor namin, kinabahan ako nang makita na si Karl na naglalakad kasama ang barkada niya.

Inayos ko muna ang buhok ko at tinignan ang mukha kung may dumi ba. No'ng ma-satisfy na ako sa hitsura ko ay sinenyasan ko na si Santi.

Kinuha ko ang maraming libro at naglakad. Saktong nakalagpas ako sa pader na pinagtataguan namin ng pinatid ako ni Santi. Lumipad lahat ng librong bitbit ko pagkahiga ko sa sahig.

Napapikit ako sa sobrang sakit. Bwisit, napasobra.

Napatingin ako kay Karl na, as usual, papalapit sa akin para tulungan akong tumayo. Pinanatili ko ang hitsura kong nasasaktan.

"Hey. Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya habang tinitignan ang bawat parte ng katawan ko kung may sugat. Pinigilan kong huwag kiligin.

"O-okay lang ako. Salamat," mahinang sabi ko at tumayo. Kaagad naman niya akong inalalayan. Isinunod ang mga libro kong natapon ng nakatayo na ako ng tuwid.

"Salamat," sagot ko ng iniabot niya sa akin iyon.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Paninigurado niya.

Tinanguan ko siya "Oo. Salamat ulit."

"Sige, Mag iingat ka na sa susunod," sabi niya bago ako nginitian at pinuntahan ang barkada niya.

Napatingin ako sa mga barkada niyang naglulupong sa gilid habang nakatingin sa amin.

Pinamulahan ako ng pisngi ng makita ang isa sa kanila na nakangisi sa akin. Siguradong alam nila na nagpapa-pansin lang ako kay Karl. Sa palagian ko ba namang pagkatapilok sa harapan nila, tanga na lang ang hindi makakarealize no'n.

At isa na doon si Karl. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya napapansin iyon, sa tuwing nagkukunyari akong natatalisod, natatapilok, o natulak, lagi siyang dumadalo para tulungan ako.

"Ayos na ba, Vien?" Nakangiting tanong ni Drew, isa sa kaibigan ni Karl. Kunot noong napatingin sa akin si Karl sa sinabi nya.

Namula ang pisngi ko, hindi na ako nagsalita at iniwas ang tingin ko kay Drew.

"Tara na nga!" Iritang aya ni Karl sa barkada niya. Siya pa mismo ang nagtulak kay Drew palayo sa kinaroroonan ko, tumawa lang ito sa ginawa nya.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko lang inilabas ang kilig na nararamdaman ko. Hindi ko napigilang matuwa.

Napansin na naman niya ako!

"Saya mo ah?" Nakangising tanong ni Santi.

"Syempre naman! Alalang-alala siya sa akin kanina. Santi!" Kinikilig na kwento ko.

"Syempre mag-aalala siya. Alam kasi niyang tanga ka," sabi niya sabay tawa.

Bumusangot ako.

"Siguradong tingin noon sayo, lampa. Palagi ka nalang niya nakikitang natatalisod," dugtong pa niya.

Napalabi nalang ako. "Eh bakit ba? Yun lang ang naiisip kong paraan para mapansin niya ako. Atsaka pagbigyan mo na ako, birthday ko naman ngayon, e."

"Hay naku! Kung alam mo lang talaga," sagot niya sabay tawa. Naglakad na siya papunta sa classroom namin.

"Ang alin?" Tanong ko at sumunod na rin sa kaniya. Shete, anong ibig sabihin niya roon?! Hindi ko maiwasang mag-assume!

"Kung alam mo lang na sobrang natatangahan na siya sayo," bumulagta siya sa sobrang pagtawa pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now