Panimula

540 44 7
                                    

Her Point of View

Mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa mukha at sinipa sa sikmura. Halos hindi na siya makakakilos dahil sa dami na ng natamo niyang sugat mula sa akin. Pero hindi pa rin ako makuntento!

Muli ko siyang inundayan ng suntok at tumama iyon sa kanyang panga dahilan para matumba siya. Marami ang naghihiyawan at patuloy na sinisigaw ang pangalan ko.

Balak na sana akong pigilan ng mga kagrupo ko pero mabilis ko silang inawat.

"Don't you dare!" Mariing sambit ko sa kanila sa balak nilang paglapit sa akin. Hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin ako sa galit dahil sa ginawa nila sa kanya.

Hindi ako papayag na may makakapanakit pa sa mga taong mahal ko.

Muli akong sumugod sa kanya ng mapansing nakatayo na sya sa harapan ko. Binigyan ko siya ng sunod sunod na suntok at mabilis niyang iniwasan ang mga iyon. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang isang butas kaya agad akong sumuntok sa kanyang tagiliran na hindi niya naiwasan.

"Masyado kang matigas! Tatapusin kita ngayong gabi!" Galit na galit na sambit ko sa kanya.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makakilos at sunod sunod na suntok at sipa ang binigay ko. This time ay hindi na niya maiwasan ang mga iyon dahil sa pagod! Muli ko siyang binigyan ng isang upper cut at tinuhod ko ang sikmura niya dahilan ng kanyang pagtumba. Mabilis ko siyang inupuan at agad na binigyan ng sunod sunod na suntok sa mukha.

Agad naman akong inawat ng mga kasama ko ng makitang wala ng malay ang kalaban ko at puro dugo na ang mukha. Hindi ko ininda ang mga sugat na natamo ko at mabilis na tumayo ng maayos. Tinignan ko ng masama ang kawawang nilalang na binugbog ko bago tignan ang mga kagrupo ko. Tumango lang ako sa kanila at mabilis na nilisan ang lugar para magtungo sa lugar kung nasaan siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang masamang nangyari noon dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa harapan ko.

Muling tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang sinapit niya dahil sa katigasan ng ulo ko. Ako ang dahilan kung bakit andirito siya sa kwartong ito na puno ng mga makina at kung ano ano pang tubo na nakakabit sa kanya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari.

"He'll be okay!" Sabay tapik sa akin ng nurse na nagbabantay sa kanya.

Ngumiti lang ako sa kanya kahit na patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

"He's strong! Alam kong hindi ka niya iiwan. Lumalaban siya para sayo dahil siguradong nakikita niyang nahihirapan ka na." Nakangiting sambit nito sa akin.

"It's all my fault! Kung nakinig lang ako sa kanya. Hindi mangyayari ang lahat ng ito!" Muli akong napahagulgol dahil sa kanyang sinabi.

——

A/N: What can you say guys? Comment down below and don't forget to vote!

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon