Kabanata 9

202 32 0
                                    

Trouble (Part II)

Her point of view

"Ate pwede rin po ba kaming pumunta ng mga kaibigan ko sa school nyo bukas?" Napalingon ako sa kapatid ko ng magsalita sya.

Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko. Inakbayan ko sya bago magsalita.

"Syempre naman bunso. Pwedeng pwede kayo ng mga kaibigan at classmates po doon. Hindi naman bawal ang outsided do'n." Hinalikan ko ang kanyang noo at saka inihilig ang ulo sa kanyang ulo.

"Ate namimiss ko sila nanay. Ikaw ba? Namimis mo rin ba sila?" Ramdam ko ang lungkot sa tono ng kapatid ko.

"Syempre naman. Miss na miss ko rin sila. Kaya ikaw 'wag mong iiwan si ate kahit na ano pang mangyari."

"Hinding hindi kita iiwan ate. Palagi akong nandito sayo at syempre dapat ako rin 'wag mong iiwan."

"Kahit na ano pang mangyari bunso. Hinding hindi ka iiwan na ate." Niyakap ko sya ng mahigpit at gano'n din sya sa akin.

"Tara na at matulog na tayo. Maaga tayo bukas at sasabay ka sa akin." Kumalas sya sa yakap ko at nag angat ng tingin sa akin.

"Hindi ako makakasabay sayo ate kasi magkikita kita muna kami ng mga kaklase ko bago dumiretso sa school nyo." Tumango lamang ako sa kanya at inaya na syang pumasok sa kwarto.

Hindi ako makatulog kahit pa halos isang oras na akong nakahiga. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Maging ang mga pinag gagawa ng mga bata ni Marcus. Alam kong mga bata nya ang may gawa ng ilang kababalaghan sa school.

Alam kong ginagawa nila 'yon dahil sa kinahinatnan ng leader nila. Hindi ko alam kung ano bang gustong mangyari ni Marcus. Sya ang may gustong kumalaban sa akin pero nang matalo'y hindi naman matanggap.

Sana hindi na sila muling magpakita sa school pero mukhang hindi pinakinggang ang hiling ko. Dahil pagpasok ko pa lang nga gate ay kitang kita ko na sila.

Mga nakangisi sila habang hinaharass ng tingin ang ilan sa mga babaeng estudyante namin. Masyado silang maaga ngayon.

Hindi ko na dapat sila papansin pero nakita ako ng isa sa kanila.

"Magandang umaga Vi." Nakangising bati ni Rico.

"Walang maganda sa umaga kung mukha mo agad ang makikita." Walang amor kong sinabi 'yon sa kanya. Biglang nag igting ang kanyang panga tanda ng galit.

Nginisihan ko lang sya at maglalakad na sana ng muli syang magsalita.

"Hindi pa tayo tapos Vi. Makakaganti rin kami sa'yo." Umalis din agad sya at sumunod naman sa kanya ang mga minions nya.

Nagngitngit ako sa sinabi nya. Alam kong hindi nya ako patatahimikin sa buong maghapon. Dumiretso na lamang ako sa opisina at nadatnan ang tatlo na seryos ang mga mukha.

"Anong nangyari sa inyo at ganyan agad ang mga mukha nyo?" Sabay sabay silang lumingon sa pwesto ko.

"Vi we have problems. May ilang students ang nagcocomplain sa mga bata ni Marcus."

"May muntik na ring magkainitan kanina dahil sa kanila. Binastos kasi nila yung girlfriend no'ng isang student at buti na lang naawat agad no'ng babae ang jowa nya kaya hindi natuloy."

"It's really a big trouble kung magtutuloy tuloy ang ginagawa nila. Natatakot din sa kanila ang ilang estudyante. Anong gagawin natin?"

Napabuntong hininga ako sa sunod sundo na narinig mula sa kanila.

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon