Kabanata 7

223 34 0
                                    

Welcome Day

Valerie's Pov

Lahat ay busy dahil sa darating na Welcome Day na igagawad para sa mga estudayante specially for those freshmen and transferees. Hindi magkandaugaga ang bawat officers sa pag aasikaso ng mga kailangan nilang gawin.

This Welcome Day is not the normal event like aquaintance party. This event is like a school fair where you can see different booths everywhere, performance from different clubs and so on and so fort. Normally three days ang nilalaan sa welcome day para maramdaman ng lahat na welcome na welcome sila sa paaralang ito. Maybe you are wondering kung saan nakukuha ang pondo para dito dahil isang public school ito.

This school is a public school but not sponsored by the government institution instead it is sponsored by many private institution.

Those private institutions that not all the students knew who and what they are. Only those people who can enter and has access inside and outside of Devil's Haven. They were also the one supported the Devil's Haven that's they were only knows who are those private institutions.

"Val, ito nga pala ang list of Booths nang bawat section." May inabot syang papel, "Ang ilan dyan ay nabisita na namin. Most of them ay patapos na. At ito naman ay ang mga performances na isasagawa ng drama clubs." At may iniabot muli ito sa 'king papel.

Tinignan ko ang mga iyon at as of now ay magaganda naman ang mga ipapalabas nila sa loob ng tatlong araw.

"Val ito rin pala ang list of movies na ipapalabas ng Multimedia clubs." At inabot sa 'kin  ni Karen ang listahan. "Naka alternate ang palabas na gagawin nila. Una ay Action, Romance, at Fantasy. At everyday ay iba iba ang ipapalabas nila." Tinignan ko ang mga iyon at magaganda naman ang mga napili nilang palabas. Tumango ako sa kanya at umalis na sya sa harapan ko.

Inikot ko ang tingin sa loob ng opisina dito sa loob ng school at halatang maraming ginagawa ang bawat officers. Lahat sila ay busy, though may naka assign na mga officers para sa event na 'to. Lahat ay tumutulong. Ito ang isa sa mga magagandang attitude ng mga officers. Kahit na alam nilang hindi sa kanila ang trabaho ay willing silang tumulong sa bawat isa.

Para kaming mga nasa palengke sa sobrang gulo. Ang gulo gulo nang mga table at kung ano anong mga papel ang nakak-kalat. Ilang araw na lang naman ay mag uumpisa na ang Welcome Day para sa mga freshies at transferees kaya ang lahat ay nagkukumahog na matapos nang maaga at maayos ang mga trabaho.

Tumngin ako sa orasan at malapit nang magtanghalian. Pumalakpak ako nang malakas para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Hindi naman ako nabigo dahil lahat sila ay napatingin at napatigil.

"It's nearly lunch guys! 'Wag masyadong damdamin ang mga ginagawa. Matatapos natin lahat nang ito on time. So let's eat first before you continue whatever you are doing." Tumango ang lahat at inayos ang mga gamit bago lumabas ng office para mag lunch.

Naglalakad kami nang may mamataan na nagkukumpulan 'di kalayuan sa gate.

"Anong mayro'n sa gate?" Nagtatakang tanong ni Michelle.

Naglakad kami patungo ro'n hindi dahil sa gusto naming makitsismis baka kasi may lumabag na naman sa batas namin.

"Oh! Is that Von?" Napatingin ako kay Michelle dahil sa sinabi nito. Sinundan ko nang tingin ang kanyang mga mata at napakunot sa nakita. 'Anong ginagawa ni Von dito?'

Naglakad ako patungo sa gate dahil doon nakatayo si Von na kanina pa pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Hindi ko naman maitatanggi'ng may itsura ang kapatid ko.

"What are you doing here?" Nakakunot noo'ng tanong ko sa kapatid ko. Napalingon ang lahat sa'kin.

"Miss Pres..."

"Miss Val.."

"Tara na. Baka pagalitan tayo ni Miss Val.." Nag sialisan naman agad sila at nilingon kong muli ang kapatid ko.

"What are you doing here? You're suppose to be in your class?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

"Wala kaming klase ate kaya naisipan kong dumaan muna dito bago dumiretso sa bahay." Nakangiti nitong tanong sa'kin.

"Kumain ka na ba?"

"Katatapos lang po. Bago ako pumunta rito ay kumain muna ako." Tumango tango lang ako sa kanya. "Sige ate uuwi na po ako. Sisimulan ko nang gawin 'yong project na binigay sa'min."

"Sige, mag iingat ka sa pag uwi. Don't forget to lock the door." Tumango lang sya nang sunod sunod bago tuluyang umalis. 'Wierd'

"Tara na." Aya ko sa mga kaibigan ko.

Dumiretso kami sa canteen at nagtungo sa table namin. Sa sobrang dami ng gagawin ay hindi kami nagtagal doon at muling bumalik sa office namin.

Dumating ang araw na hinihintay ng lahat. Kaming mga officers ay busy at patuloy na inaasikaso at tinatapos ang lahat ng dapat tapusin bago magsimula ang programa. Kailangan maging maganda ang kalalabasan nito dahil ito na ang huling taon namin at mas gusto naming maayos ang lahat.

"Val, we're ready. Tara na ba?" Tanong ni Michelle. Kasama nya ang grupo nya na s'yang nakaassign sa programang ito.

"Is everything ready? Are we complete now?"

"Yes." Bumaling sya sa mga kasama nya. "Be on standby at ilang minuto na lang ay magsisimula na tayo." Tumango ang team nya at nilisan ang office.

Hindi rin nagtagal ay lumabas kami kasama ang dalawa. Naglalakad kaming apat patungo sa auditoriums at hindi maiiwasan na mapalingon ang ilang mga estudyanteng nakakalat. Huminto ako at gano'n din ang ginawa nila.

"What are you still doing here!? You should be in the auditorium now!" Agad nagsitalima ang malalapit sa amin at tumakbo patungong auditorium. Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis ding nagsikilos ang mga nasa malalayo.

Huminga akong malalim at muling naglakad. Dire-diretso ang tungo sa harapan ng lahat. Naupo kami sa mga upuang nasa harapan kasami ang ilang officers at school officials.

"Good morning everyone!" Sigaw ng MC at gumanti naman ng sagot ang mga estudyante. "Today is the most awaited day for everone specially to our new students! And to our new students. I welcome you to our humble school. Welcome to Mabangay National High School!" Nagpalakpakan ang lahat.

"And before we start our ceremony. May we stand to start our program with a prayer to be followed by the National Anthem."

Nanahimik ang lahat at pumailanglang ang isang musika at tahimik na nalangin habang pinapakinggan ang tugtog. "The Prayer" natapos ang kantang iyon at sumunod ay ang pambansang awit ng Pilipinas.
Lahat ay sumabay sa kanta hang ang mga kamay ay nasa kaliwang dibdib.

Hindi rin nagtagal ay natapos at muling umupo ang lahat.

"May we call on our Principal to give us the opening remarks. Ma'am—." Nagpalakpakan ang lahat at tumayo ang principal namin.

Nagbigay ito ng was maikling pahayag bago ipinasa ang mikropono sa akin. Tumayo ako't nagsalita.

"Good day students! I am Valerie your student council president. This will be our last welcome day kaya't ibinuhos namin ang lahat ng aming makakaya para mapagtagumpayan ito. And this will not gonna happen if my colleagues are not with me. Thank you everyone specially to our team charlie leads by non other than Ms. Michelle Suarez. Her team really did a great job and I hope everyone of you will have a good time to spend to found new friends. And again thank you everyone and enjoy!" Muling nagpalakpakan ang lahat. Nakangiti lamang ako sa lahat.

"Ngayon ay magsisimula ng magbukas ang lahat mga booths at maari na kayong magtungo roon. Thank you and enjoy!"

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon