Kabanata 1

366 41 11
                                    

First Day gone Mad

Valerie's POV

"Good morning, Miss Val!" Bati ng mga kapwa ko estudyante ng makita nilang naglalakad ako papasok ng campus. Tumango ako at agad ring bumati sa kanila.

Ganito ang eksena sa tuwing ako'y papasok sa iskwela. Kanya kanyang bati mula sa iba't-ibang mag aaral ng Mabangay National High School at mabilis ko namang ibinabalik ang bawat pagbati.

Pagpasok sa loob ng silid-aralan ay nakita ko na agad ang mga kaibigan ko sa isang sulok.

"Yow Val!" Pagbati ni Michael na isa sa mga barkada ko.

Michael Suarez ay member ng varsity sa school namin kaya naman marami rin ang humahanga sa kanya bukod sa angking galing sa larangan ng basketball ay masasabi ko ring gwapo kaya lang mahangin.

"Nakita mo na naman ang gwapo mong bestfriend!" Dugtong nito. Yeah! He's my freaking bestfriend.

"Tigilan mo nga ako sa kahanginan mo!" Sya naman ang girl version ni Michael na si Michelle.

Michelle Suarez is also known as Campus Kikay. Twin sister ni Michael, kita niyo naman na same sila ng Surname. Ang napakagirly kong bestfriend. Kaibigan ko na silang dalawa simula pa lang ng pagkabata. At may kaya rin ang pamilya nila pero mas pinili nilang mag aral sa isang public school kahit na afford naman ng parents nila sa private.

"Look oh bessy Val! Nakita ko siya sa mall kahapon at super cute niya kaya binili ko na agad!" Tapos may pinakita siya sa aking head band na kulay pink.

Ipapasuot niya sana sa akin iyon pero mabilis kong iniwas ang ulo ko sa kanya at nagtungo sa upuan ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakanguso na naman siya.

Hayst.

"Val naayos na ba ng mga nakatokang officer ang tungkol sa Welcome Day para sa mga freshmen?" Sabi ng katabi kong si Yana slash bestfriend.

Adrianna Henares "Yana" ay isa rin sa mga bestfriend ko mula pagkabata. Gaya ng kambal na Suarez ay may kaya rin ang pamilya nila. Actually both of her parents are business owners. Nagtataka siguro kayo kung bakit andito sila sa isang public school nag aaral. Hindi naman kasi alam sa school na mayaman si Yana hindi kagaya ng Kambal. Si Yana ay mahinhin kumilos pero malakas ang loob. Kaya nga marami ang takot sa kanya maging ang mga kalalakihan.

"Ang huli kong balita ay may kulang pa. Hindi pa rin daw nila nakukumbinsi na mag perform ang isang grupo. Mamaya magkakaroon ng meeting para doon." Sagot ko sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa at muling ibinalik ang tingin sa binabasang libro.

At ako naman si Valerie Dela Rosa ang President ng Campus Student Government. That explain why most of the students ay bumabati sakin kanina. I was elected as President 3 years ago and this is my last year. Lahat kami ay nasa Senior Year na. Simula ng ma-elect ako hindi na nila ako pinaalis sa pwesto.

Tandang tanda ko pa na napagtripan nila akong isali sa eleksyon nung first year ako. At ng manalo bilang isang Treasurer ay nagpursigi ako. Hindi ko naman inakala na mamahalin ko yung trabaho ko. Ako lang ang freshmen na nakapasok sa isa sa mga matataas na posisyon. Yung tatlong nauna sa akin ay puro Senior din kaya noong makagraduate sila ay ako na ang pinili nilang maging president. At from that day onwards ay ako na ang nakaupo sa posisyon. Ayaw nila akong paalisin, ganun rin naman ang advisor ng CSG.

"Miss Val may nag aaway!" Napukaw ng isang sigaw mula sa pinto ang pag gunita ko sa nakaraan.

Mabilis akong tumayo para lapitan ang isang Junior.

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon