Kabanata 2

298 35 11
                                    

Devils Haven and Big 4

Valerie's POV

Huminto ako sa tapat ng malaking gate at lumingon sa kanila habang naghihintay.

Pagkakakita sa pangalan ay kitang kita ko sa mga mata nila ang gulat at takot.

Gulat, marahil ay ngayon lang nila nakitang ganito kaganda ang lugar na kinatatakutan ng karamihan at takot dahil hindi nila alam kung ano ang maaring mangyari sa kanila once na makapasok sa loob.

Devils Haven ay ang lugar na pinaka ayaw mapuntahan ng lahat ng estudyante ng MNHS (Mabangay National High School). Sa kabila ng pagkaganda gandang halaman at bulaklak na nakapalibot sa malaking gate ay hindi na ninanais ng lahat na makapasok sa loob. Iilan pa lang ang mga nakakapasok sa loob nito dahil halos lahat ay takot. Marinig lamang nila ang pangalang Devils Haven ay mababakas na ang takot . Once na makapasok ka sa loob ay hindi mo maaring ikwento ang mga nangyari sayo sa loob ng Haven. Sabi nga ng secrecy sa military ay What you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here at once na may magsabi ng ano mang nagyari sa kanila sa loob ay may karampatang parusa. Karamihan sa mga pumapasok rito ay inaabot ng gabi at hindi nakakapasok ng isang linggo. Hindi rin sila maaring magpakita sa kahit na sino kapag lumabas sila dito hanggat hindi pa nakakabalik sa eskwelahan. At ang lahat ng mga nakakapasok sa loob, matapos makagraduate ay bigla na lang nawawala ng parang bula kasama ang buong pamilya.

"A—anong gagawin natin sa loob?" Binigyan ko lang siya ng isang ngisi na nagpawala ng kulay sa kanyang mga mukha.

Ang Devils Haven ay kilala hindi lamang sa loob ng paaralan maging sa labas. Maraming tao ang gustong makapasok sa loob ng Devils Haven ngunit walang nagtangka. Marahil ay may ideya na sila sa maaring mangyari sa kanila sa loob once na makapasok sila.

"Lahat ng bilang ko ay may karampatang parusa at dahil umabot kayo sa apat ng hindi nakikinig kaya tayo nandito sa harap ng Devils Haven. Alam niyo na siguro ang maaring mangyari." Seryosong sambit ko sa kanila.

"Papipiliin lang naman namin kayo. Papasok o susunod?" Nakataas kilay na tanong ni Michelle sa kanila. Hindi agad sila nakaimik kaya sinundan ni Yana.

"Kung papasok kayo, maraming consequences at maaring mauwi sa drop out kung susunod naman kayo, simple lang. Susundin niyo ang lahat ng rules sa loob ng paaralang ito at malalaman niyo sa mismong Welcome Day niyo. Iyon ay handog namin sa lahat ng freshmen at transferees. Kapag pinili niyo ang susunod, mananahimik muna kayo hanggang sa dumating ang takdang araw." Nakangising paliwanag ni Yana sa kanilang lahat.

Kita ko naman ang takot sa mga mata ng karamihan sa kanila. Magaling lang magtago ng nararamdaman ang ilan sa kanila.

"Hindi ako natatakot sa maaring mangyari sa akin sa loob!" Lakas loob na sigaw ng isang lalaki na nagpataas ng isang sulok ng labi naming apat.

"Ano ka ba Oteng narinig mo naman ang mga bali-balita tungkol sa loob nyan diba?" Awat ng isa sa mga kasama nito.

Parang hindi na nila naalala ang away na naganap sa pagitan ng dalawang grupo kanina at halos awatin na nila ang nag ngangalang Oteng na huwag pumasok sa loob.

"Sino ba kayo? At bakit kayo ang nagsasabi—." Napahinto siya sa kanyang sasabihin marahil ay napagtanto niyang kami ang apat na kinatatakutang tao sa loob ng MNHS.

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon