Kabanata 3

279 39 11
                                    

Story behind Devils Haven

Valerie's POV

Nagbago ang takbo ng buhay naming apat ng sabihin ni Michael ang "We're In!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pwesto ni Michael na may nanlilisik na mga mata.

"Okay! That's settled, we already have our representative."

"But—!" Tututol pa sana ako ng putulin ni mam ang sasabihin ko.

"That's all for today. Goodbye class!" At nagsitayuan na ang lahat para ayusin ang mga gamit dahil si mam ang last subject namin kaya uwian na. "Ayy, may assembly pala ang representative sa hall after this." Huling pahabol ni mam at mabilis ng lumabas.

Tinitigan ko ng masama si Michael dahil sa ginawa niya.

"What the hell was that Michael!?" Sigaw ni Michelle sa kakambal niya.

"Woaahh! Easy lang guys! 'Wag natin dito pag usapan." Halos ibulong na lang niya ang sinasabi.

Tumingin lang kami sa kanya at walang sabi sabing lumabas ng classroom.

Dinala nya kami sa tahimik na parte dito sa loob ng campus.

"Ano na!?" Inip na sambit ng kambal nito sa kanya.

"Mag antay ka nga!" Sita nito sa kakambal at luminga linga pa sa paligid bago muling nagsalita. "Ganito kasi 'yan. May narinig akong usap usapan—!"

"At kailan ka pa naging chismoso?" Singit ng kakambal sa sasabihin nito.

"Ano ba Michelle! Paano ako matatapos kung puro ka segunda!" Naiinis na sigaw nito sa kakambal.

"Oo na! Hmmp!" Angil nito at nag cross arm na lang.

"As I was saying, I heard something about this election. Karamihan daw ng nasa higher position ay may privilege na makapasok at makalabas sa loob ng Devils Haven. Isn't it a great opportunity for us?" May kislap sa mga matang tanong nito sa'min.

"Kung gusto mong pumasok at lumabas doon 'wag mo na kaming idamay. Ikaw lang naman ang may gusto bakit kailangan mo pa kaming isama!?" Iritang sambit ni Michelle sa kakambal.

"Don't you get what I mean? Nasaan ba ang utak mo!?" Inis ma balik ni Michael.

"Syempre nasa ulo ko!" Balik na sigaw nito.

"Pwede bang tigilan nyo 'yang pag aaway nyong dalawa?" Mahinahon na awat ni Yena sa dalawa.

"Eto kasi eh!/Sya ang nauna!" Sabay na sigaw ng kambal. Nagkatinginan sila saglit sabay iwas.

Parang mga bata!

"Gaya nga nang sabi ko, this is the right time for us para malaman kung ano ba talagang mayroon sa loob ng Devils Haven na kinakatakutan ng lahat." Nakatingin lang sya sa 'min, inaantay kung anong reaksyon. "Come on guys! I know na nacucurious kayo sa kung anong meron sa loob. Malalaman din natin kung anong nangyari doon sa mga taong nakapasok sa loob na bigla na lang nawala." Pagtutuloy nya.

"So pag nalaman mo na at mayroon ngang hindi maganda, anong gagawin mo? Isusumbong mo? We all know na walang magagawa ang government natin tungkol dito dahil supportado nila ang kung ano mang nangyayari sa loob nyan!" Segunda ni Michelle.

"But what if kabaligtaran pala ng lahat 'yon? What if isa pa lang prebilehiyo ang makapasok sa loob?" Panghahamon nito sa 'min.

Doon na nakuha ang atensyon. Anong ibig nyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Yena. Mukhang pati si Yena ay nagkaroon ng initerest dahil sa narinig.

Ngumisi sya sa'min na nagpataas ng kilay ko.

"May nalalaman ka, spill it!" Sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa 'kin at mas lalong lumapad ang ngisi nya.

"According to my source—!"

"Siguraduhin mong reliable 'yang source mo!" Muling singit ni Michelle. Binigyan lang sya nito ng masamang tingin at nagpatuloy na.

"Sabi ng kakilala ko, which is cousin ng friend ng friend ko. Isa rin syang student dito that time. After raw nilang umalis dito pagkatapos ng graduation ay lumipad daw ito patungo sa kung anong bansa, nalimutan ko na kung saang bansa. Basta! Ayun nga, dumating yung time na nagkita raw itong magkaibigan doon sa ibang bansa at nalaman nya na maganda na ang buhay nila doon. Noong una hindi ako naniniwala, hanggang sa may narinig rin akong usap usapan na mali raw ang paniniwala nila tungkol sa loob ng Devils Haven." Mahabang litanya nito.

"Paanong mali?" Nagtatakang tanong ni Yena. Kahit ako ay nagtataka, anong ibig nilang sabihin na mali.

"Madalas na ikwento na binubogbog at pinapahirapan sila sa loob. Para hindi makita ang mga sugat nila ay pinapaabsent raw ito ng isang linggo hanggang sa gumaling ang mga sugat. Hindi rin ito makikita sa bahay nila dahil provided raw ng Devils Haven ang lugar kung saan sila tumutuloy para magpagaling, syempre kasama ang buong pamilya nung estudyante. At ang tanong nyo kung paanong mali? Dahil may nakapagsabi raw na hindi totoo ang lahat ng 'yun. Taliwas raw sa kwento ng nakararami ang totoong nangyari. Kumbaga imbis na pinapahirapan ay pinagsisilbihan at mayroong magandang opportunity na naghihintay sa kanila. May nakapagsabi rin na maganda raw ang loob ng Devils Haven compare sa mga kinukwento ng karamihan."

Nanahimik kami saglit at inaabsorb ang mga sinabi ni Michael na mas lalong nagpagulo sa isip namin.

"Hindi ba't nalalaman nila kung may nagkukwento tungkol sa Devils Haven?" Tanong ni Yena makalipas ang isang minutong pananahimik.

"Oo totoo 'yun at lahat ng sila ay nawala ng parang bula." Sagot ni Michael.

Mas lalong nalito ako dahil sa sinabi niya.

"Pero bigla ring nawala ang usap usapan tungkol sa magandang nangyayari sa kanila at mas nangibabaw na pinapahirapn sila sa loob nito." Nabalik ang atensyon namin sa kanya ng muli syang nagsalita.

"Nawala? Kasabay ng pagkawala ng mga nagkwento?" Nagtatakang tanong ni Michelle. Tumango ang kakambal nya sa tanong nito. "Ang creepy naman." Sabi nito na may kasamang paghawak sa braso ko.

"Kaya mas lalong marami ang naniniwala na may masamang nangyari sa mga taong nakakapasok sa loob." Dugtong nya.

"Tapos gusto mo pang pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Yup! Gusto kong malaman kung alin ba ang totoong kwento tungkol sa Devils Haven. Kung makukuha natin ang matataas na posisyon ay may tatlong taon tayo para malaman ang totoong nangyayari sa loob. Saka na ang susunod na step kapag nalaman natin."

"Nakakatakot but at the same time ay nakakaexcite." Nakangiting sambit ni Yena. "Game ako para naman may thrill kahit papaano."

"Malalagot tayo kila Daddy kapag nalaman nilang pumasok tayo d'on. Paano kung hindi na natin sila makita at makasama?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Michelle sa kakambal nya.

"Okay lang 'yan. Atleast magkasama naman tayo." Pag aalo nya sa kapatid.

Sabay sabay silang lumingon sa'kin para antayin ang sagot ko. Tinitigan ko sila ng ilang segundo bago umiling.

"A-y-o-k-o." At maglalakad na sana paalis—

"There you are!" Napalingon kaming apat sa nagsalita.

Vote
Comment

@itsmeshielalabels

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon