Guardians'
Valerie's Pov
"Are you ready to know who they are!?" Sigaw ni West.
"YESSSS!!" Sabay sabay na hiyaw nilang lahat. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at halos lahat ay hindi magkamayaw sa pag hiyaw.
"I won't take it any longer! Please all welcome, The deaths' gang leader, Marcus!!" Naghiyawan ang lahat nang marinig ang pangalan nang makakalaban ko.
Marcus is the head of Death Gang. Tuso kung tuso, he dislike the word defeat but I'll make him taste what defeat means is. He maybe strong enough to be in the second rank consecutively but he can't take away my rank and surely he'll be ashamed of the word defeat once he taste it.
Naglakad patungo sa pwesto ni Weston si Marcus at tuloy tuloy pa rin sa hiyawan ang mga manonood. Mataimtim ko syang pinagmasdan habang inaantay na matawag ang pangalang ko.
"And now! For our best fighter, no other than! Vi of Guardians!!" Halos hindi magkamayaw sa pagsigaw ang lahat ng tawagin ako. Seryosong naglakad ako patungo sa pwesto nila Weston. Walang emosyong pinakita habang inilibot ang tingin sa paligid. Sige sa pagsigaw ang lahat.
Guardians is the strongest and notorious gang in and out of UG. Everyone is afraid to clash with them. They knew what the guardians can do, ang they don't want to be thier living guinea pig. Ang lahat ay ilag sa kilalang grupong ito. Lahat ay takot dahil sa kakaibang lakas na tinataglay ng bawat isa.
Guardians are consist of four (4) members. Vi as their head, Yen , Elle and Mike are the members. They don't have any rankings, just their head as leader and everyone has the same position.
"Guardians! Guardians! Guardians!" Everyone chanted our group name and me as the head represented that.
Nararamdaman ko na ang tensyong bumabalot sa loob ng UG. Ilang saglit pa ang inantay namin bago tuluyang simulan ang laban.
"You already know the rules! I won't take this any longer. Start the fight!" Sigaw ni West hudyat na simula na ang laban. Umalis sya sa gitna at iniwan kaming dalawa ni Marcus.
Mabilis kaming pumwesto para sa pag atake. Pinag aaralan ang galaw ng bawat isa. Pinagmamasdan ko ito habang inaabangan ang unang atake. Mukhang wala syang balak umatake kaya ako na ang nagsimula.
Sumugod ako sa kanya ng isang suntok na mabilis nyang naiwasan pero hindi nito na anticipate ang kasunod na sipang ibinigay ko patugo sa kaliwang binti. Napaatras ito sa impak. Umamba sya ng isang suntok sa sikmura na mabilis kong nahawakan at ipinilipit ito. Hindi ito nagtagal dahil siniko nya ako sa sikmura. Napaatras ako sa lakas at sakit na binigay nito.
Umabante ako at binigyan sya ng mabilis na suntok. Hindi nya 'yon napansin kaya hindi sya nakaiwas.
"F*ck!" Sabay pahid sa dugo na nasa gilid nang kanyang labi. Nginisian ko sya na syang lalong nagpainit sa kanyang ulo. Hindi na sya nakapag hintay kaya sya na unang sumugod.
Binigyan nya ako ng sunod sunod na suntok na mabibilis kong iniwasan. Puro iwas ang ginagawa ko samantalang sunod sunod na sipa at suntok ang pinapakawalan nito. Naramdaman ko ang pagbagal nang kanyang galaw kaya hindi na ako nag aksaya pa nang oras at ako naman ang nagpakawala ng sunod sunod na suntok. Ang ilan ay naiiwasan ngunit karamihan ay hindi na nagawa pang iwasan.
Pansin ko na ang mga galos sa kanyang mukha at katawan ngunit parang 'di ito alintana ni Marcus. Nang mabigyan ng pag kakataon ay sya naman ang muling umatake. Sa bilis na pinakawalan ay hindi agad ako nakaiwas kaya tinamaan ako sa mukha. Naramdaman ko ang pag agos ng dugo mula sa ilong ko.
Unti-unti nang namumuo ang galit sa katawan ko. Gayon din ang nararamdaman ni Marcus dahil sa talim ng titig nito sa 'kin.
Puno nang hiyawan ang maririnig sa buong paligid. Sinisigaw ang pangalan ng pambato na animo'y nasa sabungan at kaming dalawa ni Marcus ang kanilang manok.
Ilang minuto na kaming naglalaban at parehong walang balak magpatalo. Naiinis na ako dahil sa tagal ng inaabot namin. Masasabi kong malakas talaga sya dahil ilang minuto na ang naigugol ko sa kanya pero 'di pa ito gaanong napupuruhan.
Tinitigan ko sya ng mariin at ngumisi lang ito. Maya maya pa'y ngumisi ito at hinugot at ang isang bagay na kanina pa nakatago sa kanyang likuran.
"Tss. Dirty as always Marcus." At ngumisi ako sa kanya, "You really don't play fair. You are the best example of coward." Nag igting ang panga nito sa narinig. Agad itong sumugod habang hawak hawak ang balisong. Mabilis akong umiwas sa atake nito. Sunod sunod at mabibilis ang bawat atakeng pinapakawalan ni Marcus.
Halos mahirapan ako n'ong una pero agad naman akong nakapag adjust. Nasasabayan ko ang bawat atake nito at paminsan minsa'y nkakatama rin sa kanya.
'F*ck! I need to finish this!'
Hindi na ako nagsayang nang oras at ako naman ngayon ang umaatake sa kanya. Iwas sya ng iwas ngunit 'di ako pumapayag na hindi sya mabigyan ng galos. At nang tamaan ko ito ng isang malakas na suntok sa mukha na halos ikahilo nito. Iyon naman ang naging hudyat sa 'kin para hindi na sya bigyan ng pagkakataong lumaban.
Ilang suntok sa mukha ang pinakawalan ko na tumamam sa kanyang pang at gilid ng mata. Halos pumutok ang kanyang kilay. Sinabayan ko ng isang sipa sa tagiliran na nangpaungol sa kanya dahil sa sakit. Hindi pa man din sya nakakabawi dahil sa sipa ay binigyan ko muli ito ng isang round kick na tumama sa gilid ng kanyang mukha. Tumalsik ang ilang dugo mula sa kanyang bibigyan at nabitawan nito ang balisong. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang inis at galit.
Samantalang puro pangalan ko ang maririnig na sinisigaw ng bawat manonood. Ang ilan ay naiinis na dahil sa nakikitang kinahihinatnan ng laban samantalang ang mga tumaya para sa 'kin ay tuwang tuwa at walang tigil sa pag sigaw ng pangalan ko.
Hindi na ako nag aksaya ng oras dahil sa tagal na nang laban namin. Ako na ang muling sunugod isang malakas na sipa ang pinakawalan ko tumama sa kanyang gilid at kasunod na pinuntirya ko ay ang kanyang binti. Nang matumba ay mabilis ko syang inupuan at bingyan ng sunod sunod na suntok sa mukha at sikmura. Halos hindi na sya makilala dahil sa namamaga na ang kanyang mukha at putok na ang kanyang labi at kilay. Ilang minuto ang lumipas ay nawalan na ito ng malay.
Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya saka tinitigan ito ng masama.
"Sa susunod na maghahamon ka siguraduhin mong kaya mo na." Sambit ko kahit na alam kong hindi na nito maririnig.
Walang humpay na sigawan ang maririnig sa buong UG dahil sa pagkaka knock out ko sa lider ng pangalawang pinakamalakas na gangster.
"Guardians! Guardians! Guardians!"
Umalis na ako sa gitna at nagtungo sa mga kasama.
"That was incredible Vi!' Bungad ni Micheal. Ngumisi lang ako sa kanya at mabilis na nilisan ang lugar. Hindi ko na inantay ang pera dahil sila na ang bahala ro'n.
***
Pinuntahan ko ang kapatid ko sa kwarto nito at nakitang mahimbing na natutulog. Napangiti ako, nilapitan ko sya at binigyan ng isang halik sa noo bago magtungo sa kwarto ko.
'Another tiring day!'
BINABASA MO ANG
Tears of a Gangster (Un-edited)
Action[COMPLETE] Valerie has just a simple life after her parents passed away. Entering high school in a public school but sponsored by a private institution instead of government? What was that? Mabangay National High School is a famous public school in...