Trouble (Part I)
Her Point of view
Mabilis na nagsipulasan ang mga estudyante at nagtungo sa kung saan nila nais magpunta.
Naramdaman ko ang paglapit ng Principal sa amin.
"Thank you so much Valerie for making this opening successful."
"Wala po iyon ma'am. Tungkulin ko po ng maging successful ang programang ito." Ngumit lang sya at kinamayan ako.
Umalis na sila at lumapit sa akin ang lahat ng officers.
"To the office now." Agad na tumalima ang lahat at sumunod sa akin patungong office.
"Alam kong gusto ninyong magsaya kaya hahayaan ko kayong magsaya. Pero kung maari ay gawin nyo pa rin ang mga nakaatang na trabaho sa inyo. Hangga't maari ay kailangan walang mangyaring gulo dahil ngayon ang unang araw natin." Tumango silang lahat at kitang kita ang mga ngiti sa labi. "Dimissed!" Agad silang nagsialisan at ako nama'y nagtungo sa lamesa ko para tapusin ang mga dapat kong tapusin.
Napansin kong hindi pa umaalis ang tatlo. Nag angat ako ng tingin at tinaasan sila ng kilay.
"Ano pang ginagawa nyo dito?"
"Eh ikaw? Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Yana.
"I stiil have a lot of things to do. You can go and enjoy yourselves."
Napailing lang sila sa sinabi ko at tuluyan ng lumabas. Napangisi ako sa naging reaksyon nila saka binalik ang atensyon sa mga papel na nasa harapan.
Sa sobrang babad ko sa ginagawa ay hindi ko namalayan ang oras. Naramdaman ko na lang na kumalam ang sikmura ko. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok silang tatlo na may bitbit na mga plastic.
"Sabi na nga ba't andito ka pa rin. We brought you lunch!" Sabay angat ng mga hawak na plastic. Napangiti ako sa gestures nila.
"Kamusta naman ang labas? Wala pa namang nangyayaring gulo?" Tanong ko sa kanila habang tinutulungan silang ihain ang mga pagkaing dala.
"So far naman wala pa. Ang ilang mga officers naman ay nakakalat kaya wala ka dapat ipag alala." Sagot ni Yana.
"Let's eat na guys! I'm so tomguts na." Napailing na lang ako kay Michelle.
Habang kumakain ay patuloy ang pagdaldal ni Michelle. Kinukwento nya ang mga ginawa nilang paglilibot kanina.
"Alam mo ba Vi, naglaro ako kanina sa sa gun shooting. Nakanganga na lang yung nagbabantay kasi halos maubos ko na ang laman ng store nila!" Tawang tawa sya habang nagkukwento. Napapailing na lang din si Yana pati ang kakambal nya.
"Ano ba naman yan mitchi! Tumatalsik yung kanina."
Tinawanan sya ng kakambal.
"Ang dami mong arte!"
"Yuck! Michelle umayos ka nga!" Natatawa ako sa mga pinag gagawa nila. Tumalsik din kasi ang ilang kanin kay Yana kaya kumain na lang sya ng tahimik.
"Wala pa naman nangugulo mula aa mga outsider natin diba?" Tanong ko.
"As of now wala pa naman. Binabantayan din kasi ng ilan ang mga pumapasok lalo pa kung galing sila sa ibang schools." Sagot ni Micheal
"You don't have to worry about this Vi. Si Michelle ang nakatoka dito kaya sya na ang bahala dyan." Yana said.
"Huwag kang mag alala kasi inaayos—," Hindi natapos ang sasabihin ni Michelle dahil nakarinig kami ng malakas na kalabog sa labas.
Tumayo kami't sinilip kung ano iyon at nasa labas ng pinto ay ang humihingal na nasa grupo ni Michelle.
"Anong nangyari Yolo?" Tanong ni Michelle sa kamyembro.
"Mich, trouble." Humihingal sya ng sabihin nya iyon. Nagkatinginan kami ni Yana. "Ang mga tao ni Marcus nangugulo!" Napakunot ako ng noo.
"Paano mo nasabing mga tao ni Marcus iyon?" Takang tanong ko.
"Iyon daw ang sabihin ko sa inyo." Tumango kami at mabilis nilisan ang opisina.
Nagtungo kami sa mga kumpol ng tao at nakita ko ang limang bata ni Marcus.
"Anong ginagawa nyo dito at bakit kayo nangugulo?" Walang emosyong wika ko sa kanila.
"Ohooy! Bawal ba kami dito Vi? Sa pagkakaalam ko pwede ang outsider." Nakangisi sya ng sabihin nya 'yon. Hindi rin agad ako nakasagot dahil may punto naman sya.
"Kung nagpunta kayo dito para mangulo maari na kayong umalis. Oo nga't pwede ang outsider but it doesn't mean that you are allowed to make scenes here!" Hinawakan ko sa braso si Yana dahil tumataas na ang boses nito.
"Hindi naman kami nagpunta dito para manggulo eh. Nandito kami para magenjoy! Diba guys!" Tumango tango pa ang mga kasama nya. Nagkatinginan kaming apat at iniisip kung papayagan ba namin sila.
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Marami na rin ang nanonood sa amin at inaantay ang magiging desisyon ko.
"Fine! Pero siguraduhin nyo lang na hindi kayo mangugulo at kapag nangyari iyon ay ako mismo ang kakaladkad sa inyo palabas."
"Pero Val—," Itinaas ko lang ang kamay ko saka naglakad patungo sa office. Sumunod silang tatlo sa akin.
"Kailangan bantayan ang limang iyon. Hindi ako naniniwalang wala silang gagawing masama dito." Bungad ko sa kanila pagkapasok na pagkapasok sa loob ng opisina.
"Then why did you let them? Sana hindi mo sila pinayagan." Inis na segunda ni Yana.
"We can't do that! Matagal na natin itong ginagawa at kung hindi natin sila papayagan. Anong iisipin ng ibang estudyante? Sana hindi natin inopen sa public kung pipili lang tayo ng papapasukin." Natahimil naman sila sa sinabi ko. "Isa lang ang kailangan nating gawin at 'yon ay bantayan sila." May pinalidad na sambit ko sa kanila.
—
Malapit ng matapos ang araw na ito at so far ay wala naman akong nabalitaang ginawa ang mga bata ni Marcus.
Naglalakad kaming apat sa buong quadrangle upang tignan at silipin ang mga booths. Habang naglalakad ay nakikita ko ang mga ngiti at saya sa bawat estudyanteng madaraanan. Masasabi kong naging successful ang unang araw ng Welcome day para sa mga freshmens.
Pumasok rin kami sa mga buildings para silipin ang ilang booths doon. Nakita kong nagliligpit na ang ilang booths.
Nilapitan ko ang grupo nila Karen ng makita ko sya.
"Kamusta ang booth na ito Karen?"
"Miss Val, kayo po pala. Maayos naman ang naging first day ng Multimedia arts. Malaki rin ang kinita at maganda ang naging feed back ng halos karamihan kaya lang may mga narinig akong ilang complains na may nanghihipo raw sa kanila habang nanonood." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Then why didn't you tell me about this?"
"Narinig ko lang naman sa dalawang nag uusap. Hindi naman sila nagcomplain. Tatanungin ko nga sana sila kaya lang bigla silang nawala ng magsimulang maglabasan ang mga tao dahil sa katatapos lang ng palabas."
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.
"If this happened again. Report it to me immediately." Tumango ito. Tinapik ko sya sa balikat at saka nilisan ang lugar.
Nakasalubong ko ang tatlo at katulad ko ay parang may mali rin sa mga narinig nila. Naghiwa-hiwalay na kasi kami para mas mapabilis ang pagcheck sa mga booths.
"I think we are in trouble." Anim na salita lang ang sinabi ko ay sabay sabay silang tumango.
BINABASA MO ANG
Tears of a Gangster (Un-edited)
Action[COMPLETE] Valerie has just a simple life after her parents passed away. Entering high school in a public school but sponsored by a private institution instead of government? What was that? Mabangay National High School is a famous public school in...