Final chapter na po ito. Wakas na po ang kasunod. Thank you for reading this story until the end. Enjoy reading everyone!
Tears of a Gangster (Part II)
Yana's Point of view
Nakatangap ako ng mensahe muli kay Valerie. Agad akong bumangon sa higaan at dali daling nilisan ang bahay upang magtungo sa hide out namin.
Pagdating doon ay agad kong natanaw ang sasakyan ng kambal na hindi man lang naipark ng maayos. Agad akong pumasok sa loob at nadatnan ang kambal na hinahanda ang laptop na gagamitin ko.
Mabilis akong nagtungo sa kanila at hinarap ang laptop. Ilang tipa ang ginawa ko upang buksan ito sa tamang site. Mabilis kong tinrack kung na saan si Valerie.
Alam kong may nangyaring masama sa kanya. Hindi sya magbibigay ng code red signal sa mga relong nakasuot sa amin kung hindi ito emergency.
We have three codes to consider. The green code is for a not so emergency. It only means that they are in trouble but can handle the fight alone. Binibigay lang ito upang ipaalam sa mga kasama na nasa isa silang laban. Madalas ay hindi na kailangan ang presensya namin.
Code blue is an example of emergency. Dito ay kailangan kami hindi dahil sa hindi kaya ang kalaban. Kung 'di ay pinapaalam na nasa laban sila at mahirap ang nakaharap. Kailangan din ito ng immediate action dahil maaring ikapahamak ng kagrupo.
Code red is very emergency. It only mean a life and death. Kaya kailangan naming magmadaling hanapin kung na saan si Valerie dahil nasa panganib ang buhay nya. Code red ang binigay na warning sa amin ni Val.
Mabibilis ang daliri ko sa pagpindot ng kung ano ano sa keyboard para hanapin kung na saan sya. Habang inaantay na mahanap kung nasaan sya ay nag aayos ang kambal ng kanilang sarili. Hinahanda ang mga gamit na kakailanganin dahil hindi ito pangkaraniwang laban.
Ilang segundo na lang ay matatapos na ang pagload ng site. Hindi ako mapakali kaya nginangatngat ko ang kuko dahil sa kabang nararamdaman.
"Yes! Nasa isang abandunadong lugar sila 'di kalayuan sa lumang warehouse!" Sigaw ko at nagmadali akong magasikaso.
Handa na kaming umalis ng magbasagan ang mga bintana. Mabilis kaming tumago.
Damns! Ba't ngayon pa.
Alam kong baril ang gamit nila dahil sa sunod sunod na nagbasagan ang mga gamit sa loob ng bahay. Hindi marinig ang putok marahil sa gumamit sila ng silencer.
Sundo sundo na yabag ang naririnig namin at nang may mamataan na dumaan sa gilid ay mabilis ko itong itinumba at inagaw ang baril. Ipinutok ko ito sa kanya hanggang sa bawian ito ng buhay. Ginamit ko ang baril para asintahin ang mga kalaban.
Nakita kong ginamit ng kambal ang ilang kutsilyo at kunai upang mabawasan ang mga kalaban. Nang matigil ang sunod sunod na pagkabasag ay lumabas na kami saka hinarap ang mga ito.
Wala na silang armas na hawak kaya agad kaming sumugod sa kanila. Tatlo ang agad na lumapit sa akin. Wala na ring bala ang hawak kong baril kaya ginamit ko itong pamukpok sa kalaban. Hinampas ko sa ulo ng isa ang baril. Napaatras ito habang tumutulo ang dugo mula sa kanyang ulo.
Sinipa ko ang nasa gilid ko nang magtangka itong sumugod. Mabilis itong nakaiwas. Sabay sabay na sumugod ang tatlo sa akin. Nakaiwas ako sa sipa ng isa ngunit hindi ko naiwasan ang paparating na kamao. Tinamaan ako sa panga. Bahagya akong nahilo dahil lakas ng impact nito.
Ako naman ang sumugod at inundayan ng sunod sunod na suntok sa mukha at tyan ang mapangahas na sumuntok sa akin. Hindi ito nakapalag dahil sa bilis ko. Sumipa ako sa likuran ng maramdamang may papasugod sa akin. Tinamaan ko iyo at sya naman ang binalingan ko. Sinasalag nya ang bawat sipang binibigay ko ngunit hindi nya naiwasan ang pagsipa ko sa kanyang tuhod na nagpatumba sa kanya. Pagkakataon ko nang basagin ang mukha nito at iyon nga ang ginawa ko. Hindi sya nakapalag hanggang sa tuluyan na itong bumagsak nang sipain ko ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Tears of a Gangster (Un-edited)
Action[COMPLETE] Valerie has just a simple life after her parents passed away. Entering high school in a public school but sponsored by a private institution instead of government? What was that? Mabangay National High School is a famous public school in...