Kabanata 10

209 31 0
                                    


Tears of a Gangster (Part I)

Her Point of View

Hindi ko maalis sa isip ko ang binitawang salita ni Rico. Hanggang ngayon ay naglalaro iyon sa aking isipan. Kanina pa ako nandito sa opisina ko at halos hindi ko na nagawa ang mga dapat kong gawin.

Matapos ang iritan namin sa cafeteria kanina ay tahimik na umalis ang grupo nila Rico. Bumalik rin sa kanya kanyang ginagawa ang lahat. Hindi na nga ako nakakain ng maayos dahil iniisip ko pa rin ang mga binitawan ni Rico.

Nagtuloy ang tatlo sa pagiikot sa quadrangle matapos naming kumain at bumalik ako sa opisina. Si Von naman ay sumama sa mga kaibigan nya para muling magikot at magsaya. Sinabihan ko rin ang tatlo na kung maari ay bantayan si Von baka sakaling bumaling ang grupo ni Rico.

Alam kong hindi nagbibiro si Rico sa mga sinabi nya kanina. Lalo pa't seryoso ang kanyang mukha ng sabihin nya iyon.

Kung ako ang tatanungin ay hindi ako natatakot sa kanya. Pero natatakot ako para sa kapatid ko.

"Bantayan mo 'yang kapatid mo. Hindi mo alam kung kailan sya mawawala."

"Ugh!" Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustation na nararamdaman.

Sinubukan kong gawin ituon ang atensyon sa mga papel na nasa harapan ko pero bumabalik pa rin ang isipan ko sa sinabi niya kanina.

Hindi rin nagtagal ay nawala na ng tuluyan sa isip ko ang nangyari at tuloy tuloy na ako sa pagtapos sa mga gawain.

Sa sobrang babad ay 'di ko napansin ang oras.

"Val, andito ka pa rin pala?" Nakita ko si Karen sa pintuan. Sumunod na pumasok sa kanya ang tatlo.

"Akala ko umuwi ka na rin. Andito ka pala." Sabi ni Michelle.

"Kanina pa umuwi si Von. Nagpaalam ba sya sayo?" Napalingon ako kay Yana sa sinabi nya. Dali dali ko namang tinignan ang cellphone ko at nakita ko ang isang text message na kanina pang alas kwatro naisend.

From: Von'bro
Ate, mauna na po ako sayong umuwi. May pupuntahan pa kami ng mga kaibigan ko. Hindi na po ako dadaan sa office mo kaya nagtext na lang po ako sayo. Ingat ka po sa paguwi. Love you ate. :*

Napabuntong hininga ako sa nabasa.

"Mukhang hindi pala nag paalam sayo. Nag paalam naman sya sa amin kanina bago sila umalis ng mga kaibigan nya." Tumango ako sa sinabi ni Yana.

"Aren't you done Val? Kaunti na lang tayong andito sa school." Tumayo na lang ako at inayos ang gamit. Alas syete na pala at hindi ko man lang iyon napansin.

Sabay sabay kaming lumabas ng opisina at nilock ko iyon. Madilim na at iilang estudyante na lang naglalakad sa paligid. Lumabas na kami at nakita ko ang sasakyan ng kambal na nag aabang sa labas ng gate.

"See you tomorrow guys!" Humalik sa amin si Michelle at kumalay lamang si Micheal bago tuluyang sumakay.

"Tara na Val." Ngumiti ako sa kanya at sinabayan syang maglakad.

Hindi naman gano'n kalayo ang bahay nila Yana dito. Ilang kanto lang kaya madalas kaming sabay maglakad. Minsan nama'y sumasabay kami sa kambal pero sa ngayon ay mas trip namin ang maglakad.

"Ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?" Napalingon ako sa kanya ng magtanong sya.

Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Wala naman Yana. Baka napagod lang ako sa dami ng ginawa kanina." Nakangiti syang lumingon sa akin.

"Huwag ka munang magtrabaho bukas. Mag enjoy ka naman kahit papaano." Natatawa nyang sambit. "So paano, dito na ako. Kita na lang tayo bukas." Tumango ako sa kanya saka binigyan ng tipid na ngiti.

Tears of a Gangster (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon