Yana's point of viewAng buhay ay pahiram lamang.
Iyan ang madalas kong marinig noon na hindi ko masyadong pinahahalagahan. Pero nang nawala siya ay huli na ang lahat. Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi.
Kahit kailan ay hindi ka maaring magsisi sa umpisa. Lagi itong nasa hulihan at kapag nangyari na ang mga bagay na hindi mo gustong mangyari ay saka natin pagsisisihan.
Maraming what if's ang gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan. Ngunit sa bandang huli mo lamang mapagtatanto ang lahat.
Maraming bagay din akong hindi pinahalagahan. Mga taong nasa paligid lang pero hindi binigyang pansin. Mga bagay na kulang na lamang ay sampalin tayo kung sila'y may buhay lamang.
"Kamusta ka dyan? Alam mo bang namimiss ka na namin?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na hanggang ngayon ay wala ka na.
Tatlong buwan na simula nang iwan mo kami. Pero hanggang ngayon ay napakasakit pa rin ng nangyari.
Alam kong hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa'yo. Hanggang ngayon ay nagluluksa sya sa pagkawala mo.
Bakit mo ba kami iniwan ng ganito? Bakit iniwan mo sya? Ikaw na lang ang pamilya nya pero iniwan mo pa rin sya.
Muling tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman. Ang hirap tanggapin at sinisisi ko ang sarili dahil huli na ng dumating kami.
"Alam kong masaya na sya kung na saan man sya." Nilingon ko si Michelle ng magsalita ito sa tabi ko.
Humilig ako sa kanya habang inaantay sila.
"Na saan ang kambal mo?" Naghahanap lang nang mapagpapark-an. Tumango ako sa tinuran nya.
Inayos namin ang mga dala naming pagkain. Maging ang mga bulaklak na dala namin ay maayos na isinalansan sa tabi ng kanyang puntod.
In loving memories of
Von Warren Dela Rosa
Sept. 15, 2009-June 13,2019
Rest in peace"Valerie, nandyan ka na pala." Malungkot lamang na tumango si Valerie habang nakakatitig sa lapida ng kanyang kapatid.
Hindi kinaya ng batang katawan ni Von ang nangyari. Kaya't ilang linggo matapos silang makaligtas sa grupo nila Marcus ay tuluyan syang binawian ng buhay.
Three months ago
Valerie's point of view
Hindi ako pumalag sa kanila. Kitang kita ko ang pag alpas ng luha mula sa mga mata ng kapatid ko. Nagwawala't sumisigaw na tigilan na ang ginagawa sa akin.
Ininda ko ang sakit. Hindi ko pinakita sa kanyang nasasaktan ako ngunit sa kailaliman ng aking puso ay puno ng hinagpis at awa ang aking nararamdam.
Sigaw sya ng sigaw at nagpupumiglas. Bigla syang sinuntok ni Marcus na nagpalaki sa mga mata ko. Nagpuyos ako sa galit. Tumayo ako ngunit agad ding napaluhod ng hinampas ang likurang bahagi ng aking tuhod.
Sinubukan kong tumayo muli pero agad ding bumagsak dahil sa paghampas sa aking ulo. Iyak lang ng iyak ang kapatid ko. Humahagulgol sya habang pinipilit na kumawala sa hawak nila.
Umiling ako sa kanya. "Please, 'wag kang pumalag." Halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa panghihina.
Muling pumalag at sumigaw ang kapatid ko. Naputol ang natitira kong pasensya ng muling bigwasan ni Marcus ang kapatid ko.
Sa sobrang galit na nararamdaman ay pinilit kong tumayo at lumaban. Mabilis akong kumilos upang makapalayo ang mga hayop sa akin. Nagsilayuan sila nang tuluyan na akong makatayo at punong puno ng galit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Tears of a Gangster (Un-edited)
Action[COMPLETE] Valerie has just a simple life after her parents passed away. Entering high school in a public school but sponsored by a private institution instead of government? What was that? Mabangay National High School is a famous public school in...