Sa Registrar's Office ng eskwelahan ni Boyet, nakasimangot ang babae habang hawak ang maliit na litrato.
"Wala ka bang ibang litrato?" tanong niya.
Kaharap niya si Boyet at hawak ang litrato nito na kung saan siya nakadila at mukhang kenkoy. Ang litrato na ginupit ni Boyet. Si Enrico ay nakaabang sa likuran. Dala nila'ng kanilang mga bag, uwian na at dumaan muna rito para magsubmit ng picture pang-ID.
"Ano po?" tanong ni Boyet.
"Wala ka na bang ibang litrato na hindi ka mukhang abnoy?"
Muntik sumabog sa tawa si Enrico, mabuti't napigilan niya.
"Wala po, Ma'm," sagot ni Boyet, na bahagyang napangiti rin.
"Dapat nagpakuha ka ng picture na 'yung talagang pang-ID," matigas na sabi ng babae.
Hindi sumagot si Boyet at naglabas na lamang ng nakakaawang mukha. Tinignan pa siya ng babae at inisip na lamang na siguro'y wala siyang pera. Umiiling na nilagyan ng babae ng paste ang likuran ng litrato at idinikit sa papel na I.D. Pagkatapos ay isinilid niya ito sa plastic ID holder at ibinigay kay Boyet.
"O, 'wag mo nang wawalain I.D. mo ha," sabi ng babae.
"Opo, M'am. Thank you po," sabi ni Boyet.
"O ikaw!" baling ng babae kay Enrico. "May kailangan ka ba?"
Medyo nagulat si Enrico na tinawag siya.
"W-wala po," iling niya.
"Amuyong ka lang?"
"Sinasamahan ko lang ho siya," sabi ni Enrico at tinuro si Boyet.
"Napaka-supportive mo naman."
Lumabas ng registrar's office sina Boyet at Enrico at habang naglalakad sa hallway ay tinignan ni Enrico ang ID ni Boyet at natawa. Sa isip niya, mukha ngang abnoy ang kaibigan. Inis na kinuha ni Boyet ang ID at tinago sa bag.
Natapat sila sa CR.
"Enrico, C.R. lang ako. Mauna ka na," sabi ni Boyet.
"Okay, antayin kita sa labas," sabi ni Enrico.
Naghintay si Enrico sa simentong bench malapit sa buy one take one na hamburgeran kung saan may mga bata na umoorder. Nang makita ang mga ito'y kinuha niyang lastiko sa kanyang braso at namulot ng upos ng sigarilyo. Tinupi niya ito para gawing bala at sinimulang targetin ang mga batang bumibili. Natawa siya nang tamaan niya ang isa sa likuran. Inulit niya ang pagtarget. Tinignan siya ng masama ng mga bata pero tinawanan lang niyang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ang Pera
General FictionMadalas makapulot ng barya sa lansangan ang 11-year old na si Boyet na nakatira sa may squatter's area. Nang mamatay ang kanyang ina, ay nauwi siya sa pagtitiis sa kalupitan ng kanyang ama at mga kapatid. Nakahanap siya ng kaibigan at tagapagtanggol...