Nakaupo sina Boyet at Enrico at kumakain ng hambuger. Nakakailang kain sila ng buy 1 take 1 na hamburger sa isang linggo.
"Alam mo, Bossing, kahit araw-araw akong kumain nitong hamburger, 'di ako magsasawa. Heaven eh," sabi ni Enrico sabay tingin sa malayo na tila nagniningning ang mga mata. "Ang sarap mabuhay lalo na kung may hamburger."
Ini-expect ni Enrico na matatawa ang kaibigan sa pag-emote niya pero mukhang abala sa kanyang isipan ito. Parang hindi mapakali.
"Iniisip mo ba 'yung lalaking naka-itim, bossing? 'Wag ka mag-alala, 'di na babalik 'yun!"
"Ha? 'Di ko naman iniisip yun," iling ni Boyet.
"Parang 'di ka kasi mapakali e."
Si Enrico nama'y medyo nagtataka na lagi siyang nililibre ni Boyet. Uli, hindi naman sa siya'y umaangal, pagka't siya na rin nagsabi na sino ba naman ang tatanggi sa grasya—mismong mga katagang kanyang ginamit—kuryoso lang siya na laging may perang pambili ang kaibigan. Alangan namang binibigyan siya ng kanyang ama at mga kapatid na hindi siya gusto. Sa kanyang kuryosidad, ang ibinigay na sagot ni Boyet ay dahil sa kanyang Lolo. Na inaabutan siya nito ng pera lingid sa kaalaman ng kanyang ama't mga kapatid.
"Lolo?" pagtataka ni Enrico. "'Di ko alam na me lolo ka pala."
"Hindi ko pa ba nasabi?"
"Hindi pa ah!"
Napakamot ng ulo si Boyet. Hindi rin niya alam kung bakit iyon ang idinahilan niya.
"Mayaman ata lolo mo, bossing!"
"H-hindi naman. Mabait lang sa akin."
Patuloy sila sa pagkain.
"Sa susunod, sa iba naman tayo kumain," sabi ni Boyet. "Medyo nagsasawa na 'ko sa hamburger eh."
Si Enrico ay kabaligtaran.
"Ha? Sarap kaya nitong burger," paglantak ni Enrico at muling tumingin sa malayo. "Ang hamburger ay buhay..."
Ngayon, medyo natawa na si Boyet.
"Sige, okay lang," sabi ni Boyet. "Pero tikman naman natin ibang hamburger."
"Pwede naman," kibit-balikat ni Enrico.
Pagkaubos ni Boyet ng isang hamburger ay ibinigay niyang isa sa kaibigan, tumayo at kinuha ang bag.
"O sa'yo na ito."
"Uy, thank you!"
"Alis na 'ko, Enrico, may lakad pa kami ng lolo ko eh."
BINABASA MO ANG
Ang Pera
General FictionMadalas makapulot ng barya sa lansangan ang 11-year old na si Boyet na nakatira sa may squatter's area. Nang mamatay ang kanyang ina, ay nauwi siya sa pagtitiis sa kalupitan ng kanyang ama at mga kapatid. Nakahanap siya ng kaibigan at tagapagtanggol...