SWP: Pagod na ang limang uri ng pandama

17 0 0
                                    

Pagod na ang limang uri ng pandama

Bata bata sino ka? Parang pamilyar sa akin ang iyong pigura, ang iyong mga mata; kung paano sila tumitig ng may halong takot at kaba na tila ba nangungusap na iligtas ka. Ang iyong mga labi na kailanma'y hindi dinalaw ng tuwa at saya; kung gaano nito gustong ilabas ang bawat letra't parirala na hindi naman magawang makawala. Ang iyong mga tenga na sawa na sa tunog ng isang malungkot na musikang hindi naman nalapatan ng liriko't kanta. Ang iyong ilong na tila ba suya na sa halimuyak ng katahimikan na matagal nang namamalagi sa apat na sulok ng kwartong iyong tinutuluyan. Ang iyong kamay na masyado nang pagod sa pakikipagdigmaan sa isang labanan kung saan alam mo namang ikaw parin ang magiging talunan; Hindi na nila kayang lumaban

Teka, nagkakilala na ba tayong dalawa?

Parang pamilyar sakin ang iyong mga mata; sa kung paano nito sinasabing pagod kana; na hindi na nila kaya pang pigilan ung malakas na ulan na laging dumadalaw sa kanila sa tuwing ikukumpara ka sa iba. Alam ko, pagod na ang iyong mga mata. Hindi na nila kayang itago sa likod ng saya ang bawat lungkot na iyong nadarama.

Teka, nagkakilala na ba tayong dalawa?

Parang pamilyar sakin ang iyong labi na kailanma'y hindi dinalawa ng tuwa at saya; kung gaano nito gustong ilabas ang bawat letra't parirala na hindi naman magawang makawala dahil alam mong hindi naman sila maaawa sa bawat hikahos na ipinararating ng bawat salita. Alam ko, pagod na ang mga labi mo. Marahil hindi narin nila alam ang tamis ng pagtawa; kung gaano kasarap ang maging mahalaga

Teka, nagkakilala na ba tayong dalawa?

Parang pamilyar sakin ang iyong mga tenga na sawa na sa tunog ng isang malungkot na musikang hindi naman nalapatan ng liriko't kanta dahil hindi mo alam kung gugustuhin bang pakinggan ng iba ang bawat lumbay sa likod ng matagal mo nang tinutugtog na hikbi. Alam ko, pagod nadin ang mga tenga mo. Hindi na nila alam kung gaano kasarap sa tenga ang awitin ng pakikinig sayo ng iba

Teka, nagkakilala na ba tayong dalawa?

Parang pamilyar sakin ang iyong ilong na tila ba suya na sa halimuyak ng katahimikan na matagal nang namamalagi sa apat na sulok ng kwartong iyong tinutuluyan dahil wala ka namang mapagsabihan ng iyong nararamdaman. Kailangan mong itago ang bawat pagaalinlangan dahil natatakot kang baka ika'y kanilang husgahan lang. Alam ko, pagod nadin ang ilong mo. Hindi na nito alam ang langhap ng pagiging malaya sa pagsasalita ng bawat parirala na namamalagi lamang sa sa bawat sulok ng kawalan

Teka, nagkakilala na ba tayong dalawa?

Parang pamilyar sakin ang iyong mga kamay na masyado nang pagod sa pakikipagdigmaan sa isang labanan kung saan alam mo namang ikaw parin ang magiging talunan. Alam ko, pagod na rin ang iyong mga kamay. Pagod na ang limang uri ng pandama

Bata bata, natatandaan na kita. Matagal na pala kitang kilala dahil ikaw at ako ay iisa

PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon