SWP: Si Umaasa

90 9 2
                                    

Si Umaasa.

Ako nga pala si umaasa,
Ung leader ng mga tanga
Ung patuloy na naniniwala sa salitang pag-asa
Kahit wala naman talaga.

Ako nga pala si umaasa,
Marahil napapag-tagpi tagpi mo na
Ung tumatangkilik sa walang katapusang sana
Makabuo lang ng mga ala-alang kasama ka

Ako nga pala si umaasa,
Ung walang sawang nagpapakatanga
Ung hindi ka magawang kalimutan kahit ang sakit sakit na

Ako nga pala si umaasa,
Ung hanggang ngayon minamahal ka
Ung hindi parin makamove-on sa salitang 'Pag-asa'

Ako nga pala si umaasa,
Ung kulang nalang tokhangin na dahil sa kaadikan sa walang katapusang sana,
Ung lahat gagawin makasama ka lang talaga

Ako nga pala si umaasa,
Ung tangang laging nakatambay sa chat box mo, naghihintay na baka-sakali. Baka-sakali lang naman, mapansin mo.

Ako nga pala si umaasa,
Ung pinili paring mahalin ka kahit may mahal ka namang iba
Ung hindi parin makausad sa rehas ng salitang 'sana' at patuloy pading nagpapakatanga.

Ako nga pala si umaasa,
Kilala mo na ba?

PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon