Kumusta ka na?
"Kumusta ka na?"
Saglit akong natigilan sa iyong pangangamusta,
Matagal tagal na rin pala mula nang makausap kita.
Ipinikit ko ang aking mga mata,
Ngumiti nang abot sa aking mga tenga at binitiwan ang mga katagang "ayos lang"Pero sa likod ng mga letra, nakaukit ang bawat
"Heto pinipilit pa rin maging masaya kahit wala kana sa piling ko sinta""Heto hindi pa rin makausad sa mga ala-ala nating masaya"
"Heto nagbabakasakaling babalik ka pa"
"Heto minamahal ka pa rin kahit tapos na ang yugto ng ating pagsasama"
"Heto ginagamot pa rin ang mga sugat na dinulot ng iniwan mong marka"
Nanlamig ka.
May nagawa ba akong hindi mo gusto kaya nagiba ang turing mo?
Nagkulang ba ang pagmamahal na ibinibigay ko kaya hindi ko na nararamdaman ang presensiya mo?Bumitaw ka.
Hindi ba ako naging sapat para piliin mong manatili sa tabi ko?
Masyado ba akong nabulag sa pagkapit sayo kaya hindi ko namalayang unti unti mo na palang binibitawan ang mga kamay koNasaan na ung pangako mong "tayo hanggang dulo- itaga mo yan sa bato!"
Masyado yatang hindi naging magalang ang pagturan mo kaya nanuno tayo- kasi maging ung puso mo naging bato
"Kumusta ka na?"
Saglit akong natigilan sa iyong pangangamusta
Matagal tagal na rin pala mula nang makausap kita
Ipinikit ko ang aking mga mata
Ngumiti nang hindi na abot sa aking mga tenga at binitiwan ang mga katagang "wag mo na akong tanungin. Pagod na akong magsinungaling tungkol sa aking tunay na nadarama."

BINABASA MO ANG
Pluma
PuisiAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...