Nagdurugo pa rin sila
Nagdurugo pa rin sila.
Wari bang pabalik balik ang paglalangib nila dahil kahit anong gawin mong pag-gamot ay pilit paring bumabalik ang impeksyon sa kanilaSinubukan kong buuin sila sa paniniwalang baka katulad lang sila ng mga animo'y nagbibitak na litratong inuuwi ni mama nung ako'y bata pa sa pagasang katulad nito, makakaya ko ring buuin sila pagkatapos ay handa na ulit upang pakinabangan ng iba.
Pero ang hirap pala. Hindi nga pala madaling hanapin kung saan ang tamang pinanggalingan nila, kung saan dapat ang lugar nila.
Pinilit ko ring langgasin sila dahil ang sabi ni lola, dahon lang ng bayabas ang katapat ng bawat sugat na kumakatas sa pagasang hihilumin ng panlalanggas ang bawat butas nang hindi magtagal ito'y maging isa nalang pekas.
Ngunit, hindi pa rin pala kaya. Mahirap palang hilumin ang sugat na hindi nakikita ng mga mata.
Nagdurugo pa rin sila. At magdurugo pa rin sila kung patuloy silang babalikan ng impeksyon na pilit pumipigil sa paggaling nila.
At ikaw oo ikaw. Ikaw pala ung impeksyon na noon palang dapat ay inalis na.
BINABASA MO ANG
Pluma
PoésieAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...