Ikaw, oo ikaw.Ikaw.
Ikaw, oo ikaw!
Minahal kita ngunit kasabay noon ay ang pagmamahal mo sa kanya. Minahal kita higit pa sa iba, pero ang sinukli mo'y "patawad pero meron na akong 'siya'."
Ikaw! Oo ikaw, ikaw ung mahal ko na hindi ako kailanman pipiliin dahil ang ating mga mundo'y sadyang ibang iba. Langit ka, lupa ako. Ganoon ba talaga?
Ikaw, oo ikaw. Ikaw ung pinapangarap ko na hindi ko naman makamtan, ung ninanais ko na ni hindi ko man lang mahagkan, ung minamahal ko na hindi ko magawang kalimutan.
Ikaw, oo ikaw. Sana, sana ako nalang.
BINABASA MO ANG
Pluma
PuisiAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...