Sinanay mo ako
Wala pa mang sinasabi, damang dama ko na
Di pa man bumubuka ang iyong mga labi, pero isinasampal mo na
Ang matatalim na salita ng hindi mo pagkibo sa tuwing tinatanong ko sa iyo ang mga katagang 'Mahal, bakit ka ba nagkakaganito? Ako ba'y may ginawa na namang mali?'Sinanay mo ako sa bawat tamis ng mga salita, sa bawat anghang ng iyong mga lambing, sa bawat sarap ng iyong mga tingin na tila ba nagsasabing 'Mahal kita, ni walang halong bola't pagsisinungaling'.
Sinanay mo akong mananatili ka at hindi magsasawa sa akin sintaSinabi ko sa sarili ko na maswerte ako kasi nakilala kita
Sinabi ko na napakahirap nang maghanap ng taong tulad mo sa panahong ito kaya ika'y aking bibigyang halaga
Sinabi ko na kahit na marami pa akong makilalang ibang tao, ikaw lang talaga
Sinabi ko na kahit anong gawin nila, sa iyo parin ako pupuntaNung nakilala kita, hindi ako nagdalawang isip na muling makipaglaro kay tadhana at muling magpakatanga
Hindi alintana ang takot na baka muli lang masaktan dahil mas pinili ko na mahalin ka sinta
Akala ko lahat ng sakit, lahat ng pait, lahat ng poot na aking nadama noong una ay tuluyang naglaho na at muli ay mapapalitan na ng tamis at ng saya dahil nasa akin kana- Dahil mahal natin ang isa't isa- Pero hindi ko alam na mas masakit pala ang iiwanan mong marka.Mahal naaalala ko pa, sa kung paanong ang tuwa ay napalitan ng awa
Sa kung paanong ang ningning sa iyong mga mata sa tuwing sasambitin mo ang mga katagang 'Mahal kita' ay napalitan ng pagkakonsensiya
Sa kung paanong ang 'Mahal kita' ay humantong sa 'Malaya kana'Sinanay mo ako sa bawat tamis ng mga salita, sa bawat anghang ng iyong lambing, sa bawat sarap ng iyong mga tingin- ngunit sinanay mo rin ako sa bawat pait ng hindi mo pagkibo, sa bawat kirot ng hindi mo pagtingin at sa bawat sakit ng pagsambit mo ng 'Mahal kita' ngunit labas naman pala sa ilong mo sinta.

BINABASA MO ANG
Pluma
PoésieAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...