Naghihilom na sila
Naghihilom na sila
Wari bang hindi na nila nadarama ang sakit na dinulot ng pagiwan mo sinta dahil natutunan na nila kung paano labanan ang pabalik balik na impeksiyon na pilit pumipigil sa paggaling nila noonSinusubukan ko paring pagtagpi-tagpiin sila at alam kong kaunting panahon nalang ang nalalabi, makakalimutan na nila ang pakiramdam ng pagkasawi
Hindi ko na pinagpatuloy pa ang panlalanggas sa kanila dahil ang sabi ni lola, hindi iyon ang tamang paggamot sa mga sugat na hindi nakikita ng mga mata kundi oras ang sikretong lunas para sa paghilom nila
Mabubuo silang muli, mapapawi rin ang bawat hapdi at magmamahal silang muli na para bang ni minsa'y hindi napawi ang ngiti sa kaniyan labi
Naghihilom na sila at sa wakas, nadarama kong nalalapit na ang tuluyang paggaling nila dahil alam na nila na may mga bagay na hindi na talaga maibabalik pa
At ikaw oo ikaw. Ikaw ung impeksiyon na hindi ko na hahayaang makabalik pa.
BINABASA MO ANG
Pluma
PoetryAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...