Maskara
Tuwing bukangliwayway, pagkamulat ng mata gawi ko na ang umupo sa aking kama
Bubuntong hininga at maghahanda sa panibagong umaga suot ang maskara kung saan nakapinta ang di mapuknat na sayaSabay kukunin sa may tabi ng lampara ang salamin kong ubod ng ganda
Tatanungin ang sarili 'sapat na kaya itong ngiti sa aking mga labi para pagtakpan ang sakit na madarama sa bawat salitang sasambitin na naman nila?'Lolo sabi mo matalino ako pero bakit hindi ko masagot sagot ang mga tanong na pumapasok sa isipan ko?
Lola sabi mo- sabi mo maging mabait lang ako tatanggapin na ako ng mga tao sa paligid koPero bakit ganto?
Bakit hanggang hanggang ngayon ang tanging tanong parin sa isipan ko ay ang mga katagang 'sapat ba ako?'
'Sapat ba ako para sa mga tao sa paligid ko?' 'Sapat ba ako para matawag na karapat-dapat dito sa mundong ginagalawan ko?'Tuwing bukangliwayway, pagkamulat ng mata gawi ko na ang umupo sa aking kama
Bubuntong hininga. Hinga.
Maghahanda sa panibagong umaga suot na naman ang aking maskara
Maskara ng pagpapanggap para itago ang sakit na sisilip kung saka-sakaling masasaktan na naman ako sa mga tingin na ibabato ng kanilang mga mata.

BINABASA MO ANG
Pluma
ŞiirAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...