SWP: Walang Forever

62 6 1
                                    

Walang Forever

'Walang Forever'
Mga katagang may dalawang salita na tumatak na sa isip ng madla

Teka, may isa lamang akong katanungan,
Na magpahanggang ngayo'y wala paring kasagutan.
Bakit nga ba ang mga pariralang ito'y patuloy parin sa paglabas sa bibig ng sambayanan?

Nang dahil ba sa nagmahal na sila ngunit sa di inaasaha'y nabigo?
O
Dahil ba sa paulit ulit na pageksena ni tadhanang mahilig magbiro?

Teka, bakit mo nga naman sasaktan ang isang tao kung pwede namang mahalin mo nalang?
Ang sagot diyan?
Tanging ikaw lamang ang nakakaalam

'Walang Forever'
Yan daw ang mga linya ng taong bitter.

'Bitter'
'Bitter ka lang kaya ka ganyan'
Yan naman ang linyahan ng mga taong mapanghusga, na wala namang kaalam alam

Hindi porket sinasabi na walang forever,
Agad agad bitter, hindi ba pwedeng nasaktan nang minsan kaya ngayo'y ayaw ng maniwala sa salitang 'forever' na pinaniwalaan nila ng kaytagal noong sila'y nasa piling pa ng kanilang minamahal?

Kaya sana ito'y iyong tandaan, wag mo silang husgahan dahil sadyang may mga tao lang na mas pinili nalang maging matapang para hindi sila tapak tapakan lang.

PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon