Anak ni Aling Vicky
Sampung mga daliri kamay at paa. Dalawang tenga, dalawa mong mata nakatitig sa iba
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam. Hindi ko alam kung saan ba ang patutunguhan nitong aking pagbibilang. Kung kailangan ba talagang ito'y aking alam
Hindi ko maintindihan
Hindi- hindi naman isang makipot na lata ang ulo ko at hindi naman sardinas na pilit isinisiksik dito ang mga tintang nakikita ko. HINDI KO MAINTINDIHAN
Kung bakit sa ARALING PANLIPUNAN ay kailangan pang pag aralan ang kasaysayan-Kung bakit kailangan pang balikan ang nakaraan.
Teka sandali naaalala mo pa ba ung araw na tinanong kita ng 'sinta, may pag asa ba?'
Pero sabi mo 'Wala, ano ka ba, kaibigan lang kita'.
Mas mabuti pa palang mahulog sa kanal kaysa itsismis ka ng mga tambay dyan at sasabihin sa nanay mong nagluluto sa bahay ng 'Aling vicky, aling vicky ung anak mo nahulog sa taong hindi naman siya ang mahal'Kung bakit sa MATEMATIKA ay kailangan may nakikigulo pang iba
Kung pwedeng tayo nalang namang dalawaKung bakit sa INGLES ay kailangan pang pagaralan kung paano bigkasin ang mga salita
Kung pwede namang sa puso ko nalang manggaling ang tamang parirala at tugmaKung bakit sa FILIPINO kailangan pang pagaralan ang ABAKADA
Kung sa akin ay hindi ka naman A-asa dahil BA-baguhin ko ang KA-palaran nating DA-lawa kung sakaling hindi man tayo ang itinakda sa isa't isaKung bakit sa TLE kailangan pang itantiya ang mga saktong sukat at timpla Kung tamang tama naman ang bawat tamis at anghang ng pagibig ko sayo sinta
Kung bakit sa COMPUTER kailangan pang may J at K sa keyboard
Kung pwede namang U at I nalang para 'you and I until we die, wala nang iwanan dahil ikaw na ung gusto kong 'panghabang buhay'Kung bakit sa ESP kailangan pang pag aralan ang paniniwala ng iba
Kung naniniwala naman ako na tayong dalawa ang para sa isa't isaKung bakit sa SIYENSIYA kailangan pang pag aralan ang mga pinagmulan
Kung ang puso ko'y ikaw naman ang tahananKung bakit sa MAPEH ay hindi parin maging magkakampi- saglit, Pwede bang tawagin ulit si Aling Vicky? "Aling Vicky, Aling Vicky ako nga pala ung anak mo na kailanman ay hindi magiging priority at leading lady"

BINABASA MO ANG
Pluma
PoetryAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...