Disclaimer: Para sa mga taong walang puwang sa puso ng taong minamahal.
'Walang tayo'. Mga katagang pilit mong isinasaksak sa puso kong wasak.
Oo, wasak. Wasak sa iyong mga salitang binabagsak
Mahal may nais lamang akong iparating sa iyo hindi naman kailangang magkaroon ng salitang 'tayo', hayaan mo lamang akong mahalin ka sa paraan na alam ko'y para na akong nanalo sa lotto.
Ngunit si tadhana'y masyado atang nahilig sa drama kaya't pati ang istorya nati'y ginawang parang soap opera.
Mahal kita. Mahal mo sya. Mahal naman niya'y iba. Animo'y kwento nati'y katha ng isang direktor sa drama-rama.
Balik tayo sa madalas mong sambitin. 'Walang tayo' walang tayo dahil hangad mo'y maging kayo.
Walang tayo dahil siya'y hindi magiging ako.
Walang tayo dahil siya ang bida at sa paningin mo'y ako ang kontra.
Ngunit mahal alam ko. Alam ko na darating din ang araw na ako naman ang magsasabi sayo ng mga katagang 'Patawad pero wala namang tayo'
♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥
I hope you guys enjoyed reading this chapter! :)
BINABASA MO ANG
Pluma
PoesíaAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...