SWP: Ito na ang huli

256 22 7
                                    

Hugot Poetry #1

Ito na ang huli

Ilang taon
Ilang taon na nga ba magmula ng mapagtanto kong mahal kita?

Ilang pahina ng kalendaryo na nga rin ba ang nalagas magmula ng sabihin ko sayo ang mga katagang "mahal kita" ngunit ang sinagot mo'y "patawad pero mahal ko siya"

Natahimik ako ng banggitin mo ang mga salitang kinatatakutan kong marinig mula sayo

Ano nga bang meron sya na wala ako? Mga salitang gusto kong ibulalas ngunit hindi ko hinayaang kumawala sa aking bibig

Dahil masakit man pero aaminin ko, wala ni isa man sa mga katangian nya ang mayroon ako

Pero pangako ito na ang huli

Ito na ang huling beses na mananatili ako sa iyong tabi

Patawad pero pagod na ako.

Pagod na akong isipin ka dahil alam kong kasabay nito ang pagisip mo sa kanya
Pagod na akong hanapin ka dahil alam kong hindi ka naman magpapakita

Pagod na akong paulit ulit na maramdamang balewala lang ako sayo

Pagod na akong marinig sayong mahal mo siya

Kaya mahal pangako pero huli na to


♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_

Vote.Comment.Follow.Share.Suggestions

PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon