Chapter 6

2.5K 126 27
                                    


                                              Chapter 6


"Alam mo bang masyado akong nabigla sa sinabi mo?" ang sita ni Nexus kay Gherly.

Napakamot sa kanyang ulo ang dalaga at saka kumain ng ice cream. Kagagaling lang nila ng presinto kung saan tinuluyan niyang sampahan ng kaso ang mga lalaking nambastos sa kanya sa palengke. Pinabayaran din iyong mga nasira.

"Hindi ko naman kasalanan no. Kinailangan ko lang ipagtanggol ang aking sarili laban sa mga bastos na iyon. Mabuti nga di ko sila tinuluyan eh." ang sagot na lang niya.

Nakita niya na nagfrown si Nexus at saka ito napabuntung-hininga. Napamulsa ito sa pantalon.

"Hindi ko naman sinasabing masama ang ginawa mo, nag-alala lang ako."

Bahagya siyang natigilan pero hindi niya ipinahalata sa superior niya na apektado siya. Saka bakit niya kailangang maging affected?

"Hindi mo kailangang mag-alala, kaya ko namang protektahan ang sarili ko at mas lalong hindi ko ibubuko ang aking cover. Maiba pala ako, nagtext sa akin si Sir Ervine kanina. Sinabi niya na nagsend ng info si Armond kay Dawson, buksan na lang daw natin. Galing daw kay X ang info na iyon at malaki ang maitutulong." ang wika niya.

Napatango si Nexus ng bahagya.

"Kung ganoon ay mamalengke na tayo para makauwi na." ang wika na lang ng lalaki.

Naglakad na nga sila papunta sa palengke at namili ng kanilang mga kakailanganin.

Samantala.... Matamang nakatingin ang lahat sa malaking screen kung saan nakalatag ang blue-print ng planta ni Don Mariano.

"Kailangan lang na malagyan nina Nexus at Dawson ng tracker ang buong paligid ng planta at nang sa ganoon ay hindi tayo mahirapan sa pagre-raid sa lugar. Ilang araw pa ang kailangan nating hintayin dahil malawak ang lugar. Makakatulong ang mga tracker para ma-monitor ni Archie ang kilos natin at ng mga kalaban." ang wika ni Ervine.

Nagtaas ng kanang-kamay si Sky.

"Yes?" ang tanong ni Ervine.

Nagsalita si Sky.

"Kanino galing ang blue-print? Imposibleng kay Dawson iyan dahil limitado ang kilos niya at puwedeng puntahan sa loob ng planta."

May kinuha sa bulsa ng pantalon si Ervine, isang piraso ng caramel-chocolate. Ibinato niya iyon kay Sky na agad nitong nasalo.

"Sa napagbilhan ko niyan, doon galing ang blue-print." ang sagot niya.

Tiningnan ni Sky ang hawak niya at nakita niya ang tatak ng pabalot ng chocolate.

"Kay X? Anong masamang hangin ang pumasok sa utak ng isang iyon?" ang di niya napigilang wika.

Isang nakakalokong tawa ang namutawi kay Velvet...

"Malamang nagday-off din?" ang sutil nitong wika.

Nagkaroon ng kanya-kanyang opinyon ang ilan pero sinaway na sila nina Siege at Ervine. Itinuloy ang kanilang meeting, marami silang napag-usapang gagawin para sa gagawin nilang operation.

Samantala... Habang abala sa pagluluto si Gherly ay tinitingnan naman ni Nexus ang blue-print sa laptop niya. Hindi siya makapaniwala at medyo nakadama siya ng pagkadismaya dahil mukhang mapapadali ang mission nila. Pasimple siyang sumulyap sa dalaga at saka siya napasandal sa kinauupuan. Kailangan nilang maglagay ni Dawson ng tracker sa lugar para madali silang ma-monitor ni Archie sa oras na magsagawa na sila ng raid. Bukod doon ay kailangang ma-confrm nilang maigi ni Dawson ang iligal na gawain ng negosyante. Napahalukipkip siya at saka napahinga ng malalim.

MEN IN ACTION 12: Nexus SpringfieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon