Chapter 11

2.4K 109 18
                                    


              Chapter 11

Isang mabining ngiti ang namutawi sa labi ni Gherly nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran. Kahit sandali pa lang ay kabisado na niya kung sino iyon. Pumihit siya paharap dito at saka sumubsob sa may leeg ng lalaki. Gustung-gusto niya iyong amuyin dahil mabango. Gumanti siya ng yakap at saka pinisil ang braso ni Nexus, napangiti siya... Firm na firm iyon dahil sa pagkabatak.

"Gherly..." ang mahinang wika ni Nexus.

Nananatili siyang nakapikit.

"Bakit?" ang tanong niya.

"Huwag kang ganyan... Virgin pa ako." ang wika ni Nexus.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanya at saka pasimpleng hinampas ang braso ng lalaki, sinamahan din niya ng bahagyang kurot.

"Aray!"

"Ako dapat ang nagsasabi niyan. Im one hundred percent virgin, ikaw ay fifty percent lang." ang paalala niya.

Marahan niyang iminulat ang mga mata at saka siya napatingin kay Nexus, nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Mukhang kanina pa iyon at bahagya siyang nakadama ng pagkailang, bago pa lang naman kasi sila, kahapon lang.

"Kahit na, atleast may natitira pa ring virginity." ang sagot pa ni Nexus.

"At akin ang natitirang iyon." ang sutil niyang wika.

"Ay bastos siya oh!" ang pabirong turan ni Nexus.

Umismid siya sa dito at saka pilyang ngumiti.

"Bastos ka diyan? Bakit may balak kang ibigay iyan sa iba?"

"Wala... Bakit gusto mo nang kunin? Tamang-tama na-charge na kaya ako."

Napatikhim si Gherly at saka pasimpleng sinabunutan ang lalaki.

"Ang dami mong sinasabi, ang mabuti pa ay bumangon na tayo at magluto ng kakainin. Kailangan na nating umuwi."

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Nexus.

"Uuwi kaagad? Hindi ba puwedeng magbonding muna tayo? Malalaki na ang mga pamangkin ko, kasama naman nila sa bahay ang mga kasambahay ko. At ikaw naman, kasama ng mga nakababata mong kapatid at pamangkin ang inyong mga magulang. Bakit natin kailangang magmadali?"

Nilaro ni Gherly ang kanang mga daliri sa balikat ni Nexus. Wala itong pang-itaas na damit, nakasuot lang siya ng manipis na polo-shirt, wala siyang brassier at magkadikit ang kanilang mga katawan. Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil sa isiping iyon, nagiging malandi ata siya?

"Nexus..." ang wika niya.

"What?" ang makahulugang tanong nito.

Hindi siya slow para hindi maisip ang kapilyuhang nasa utak ng lalaki. Lalo na at mas hinapit siya nito sa kanyang baywang.

"Matuto kang maghintay, hindi pa ako handa." ang sagot niya.

Totoo naman iyon dahil sa ngayon ay nababalot siya ng katakot-takot na kaba at excitement. Mas lamang nga lang ang kaba. Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple ni Nexus kaya ibig sabihin ay napalunok ito.

"Hindi kita mamadaliin, marunong akong maghintay. Saka hindi rin naman ako handa para mawala ang natitira kong virginity. I know the feeling..." ang napatango-tango nitong wika.

Natawa siya sa tinuran nito at saka niya mahinang hinampas ang kanang-braso ng lalaki. Ito iyong bagay na gustung-gusto niya kay Nexus, sense of humor. Alam niyang maraming bagay pa siyang matutuklasan dito at handa siyang malaman ang lahat. Hinalikan nito ang noo niya at saka siya marahang napapikit. Sumandig siya sa dibdib nito.

MEN IN ACTION 12: Nexus SpringfieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon