Chapter 9

2.3K 141 39
                                    

Chapter 9

"Bakit niyo ako tinitingnan ng ganyan?" ang kunot-noong tanong ni Nexus kina Ervine at Clear.

Nanunuring napatingin ang dalawa sa kanya, si Dawson naman ay napainom ng tubig sa hawak na baso at pasimple pang napaubo.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" ang tanong ni Clear.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Nexus.

"Maliligo sana ako eh, kaso panay kayo tawag kaya hindi ko na lang itinuloy. Pasensiya na kayo sa nangyari, nabulilyaso ng bahagya ang operation natin pero atleast marami tayong nakumpirma." ang wika pa ni Nexus.

"Si agent G?" ang tanong naman ni Ervine.

"Ah, naliligo siya."

Pagkasagot ni Nexus ay napaubo-ubo kunwari si Clear, sinadya nito ang gestures para magpasaring. Napatayo naman si Dawson sa kinauupuan.

"Magbibihis na ako." ang paalam na lang ng Junior Agent.

Napahalukipkip naman si Ervine at matamang tumingin sa mukha ni Nexus.

"Maliwanag ang patakaran natin na No Pleasure at work..." ang umpisa nito.

Napailing-iling si Nexus.

"Nagkakamali kayo ng iniisip. Maliligo nga sana ako kaso panay ang tawag ni Dawson. Kaya si agent G na lang ang naligo, naiirita na raw kasi siya. Alam niyo na ang mga babae. Akala ko ba bukas pa kayo dadating?"

"Bakit mukhang disappointed ka? Hindi ka masayang makita kami?" si Ervine.

"No, don't get me wrong. I'm just surprise." ang paliwanag niya.

Napatango-tango si Clear.

"Oo nga, halatang nasorpresa ka eh. Bitin ka ba?" ang sutil nitong tanong.

"Hell, no! Ano bang sinasabi niyo?" ang maang-maangang wika ni Nexus.

Napahawak sa punong-baba si Ervine.

"Sige, panindigan mo iyan. Kami pa ba ni Clear ang lolokohin mo? Pareho din kaming may karanasan sa mga babae at may mga asawa na kami. I thought you were a dedicated agent, professional..."

Napahinga ng marahas si Nexus at saka bahagyang umiwas ng tingin. Naupo siya sa pang-isahang sofa.

"Kagaya ng sinabi ko, muntikan na kaming masakote kanina. Akala ko nga katapusan na namin eh. It was a helly-fun but for the first time, I felt the fear conquerd me. What if it was the last one? What if tomorrow was my end? No more chances? Kaya naman kanina nagkaroon ako ng pagkakataon na ipadama ang nararamdaman ko kay agent G, masama ba iyon? Atleast, mamamatay akong may nakaangkin ng maganda kong katawan. Iyong nakuha ng babaing mahal ko ang natitira kong virginity."

Napataas ng kanang-kilay si Ervine.

"Mamatay ka na? Bakit may natitira ka pang virginity? Tigil-tigilan mo ako Nexus, huwag kami ni Clear ang paglolokohin mo." ang pasuplado niyang wika.

Umirap si Nexus sa dalawa.

"Totoo naman ah? Fifty-percent virgin pa ako mga p're!"

Hindi naman nakatiis si Clear, ibinato niya kay Nexus ang katabi niyang throw-pillow. Tinamaan ang huli sa mukha ngunit balewala lang.

"Ano na naman iyang fifty-percent virgin na iyan eh marami ka nang experience? Explain, you filthy beast!"

"Oo na, maraming experience pero ni minsan wala akong pinutukan. Lagi akong may baon na condom. Kaya laging may damit si birdie kapag nagagalit. Kaya ibig sabihin, fifty-percent virgin!" ang explaination ni Clear.

MEN IN ACTION 12: Nexus SpringfieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon