Chapter 10
Isang marahas na buntung-hininga ang binitiwan ni Nexus. Napahawak siya sa benda sa kanyang noo. Natalsikan siya ng bubog. Hindi naman malala ang sugat na tinamo niya ngunit kailangang ampatan ang pagdurugo. May kahabaan din ang hiwa. Tumingin siya kay Ervine na tahimik na ngre-reload ng bala sa mga armas nito.
"Isang paghamon itong ginawa sa atin. Mga lang'ya na iyon!" ang gigil nitong wika habang ikinasa ang hawak na armalite.
Isinuksok din nito ang magazine ng mga dalang fourty-five caliber na baril.
"Ano ngayon ang plano mo, Sir?" ang tanong niya.
Bago nito sagutin ang tanong niya ay sinulyapan nito si Siege at ang huli naman ay nag-okay sign.
"Susugod tayo ngayong gabi sa planta at i-infiltrate din natin ang fortress ng Don Mariano na iyan. Ipapakita natin na malaking pagkakamali ang ginawa niyang paghamon sa atin. We will take him dow and his army!"ang seryosong wika ni Ervine.
Ayon, nagdeklara na ng giyera. Tahimik naman si Gherly habang inaayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang kalandian kanina. Paano kung iyon na ang huling pagkakataon? Atleast, naiparamdam niya iyon kay Nexus. Aaminin niya, ibang-iba ito humalik sa naging ex-boyfriend niya. Dahil ba expert na? Huminga siya ng malalim.
Tumayo na siya at lumakad, bahagya siyang nagulat ng tabihan siya ni Nexus. Napatingin siya dito at saka ngumiti ng alanganin, ngayon siya nakakadama ng hiya sa ginawa niya. Ngumiti pabalik sa kanya si Nexus at sinabing...
"Iyong halik na 'yon, agent G... Tayo na ba ha?" ang prangka na tanong ng lalaki.
"Hindi ko alam, Sir Nexus." ang tapat niyang sagot.
Napakislot siya ng akbayan siya ng lalaki. Naglalakad sila ngayon papunta sa mga service truck. Susugod sila sa laban.
"Agent G, hindi na tayo mga teens para sa ligawan. Pero puwede nating subukan na maging tayo. Alam kong magwo-work-out tayong dalawa. Hindi mo kailangang matakot dahil hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo."
Napakurap si Gherly.
"Pambihira, susugod na nga sa laban talagang nakuha pang manligaw?" ang natawang komento ni Sky.
Tumingin si Nexus dito.
"Pabayaan mo nga ako, huwag kang kontra ng kontra." ang sita niya.
Isa namang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Gherly. Mataman siyang tumitig sa mukha ni Nexus na naghihintay ng kanyang kasagutan. Iyong daldalan naman ng ibang kalalakihan ay nawala kaya napatingin siya sa iba. Hindi niya alam kung mape-pressure siya o ano, dahil naghihintay din ang mga ito ng kasagutan niya. Naalala niya ang palaging sinasabi ni aget Al, mas tsismoso ang mga lalaki. Natawa siya ng bahagya sa isiping iyon. Hinarap niya si Nexus at saka ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya. Hinapit naman siya ng lalaki sa kanyang baywang at saka sila nagkatitigan. Wala silang pakialam kung pinapanood sila ng mga kasama.
"Oo ang sagot ko basta manatili kang buhay sa mission na ito. Hindi lang dito kundi sa iba pa. Isa pa, ayaw ko nang may flings dahil selosa ako. Pumapatay ako ng malanding karibal at kapag ako napupuno, marunong din akong mamutol ng 'ano.' Kaya ikaw ang gusto kong tanungin, sigurado ka na ba talaga sa akin, ha?"
Napakurap si Nexus, napa-Oh ng bahagya ang labi nito ngunit walang lumabas na salita.
"Wala ka pala eh! Sabi ko na nga ba, pinagtritripan mo ako." ang nainis na wika ni Gherly.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 12: Nexus Springfield
RomanceIsang malaking lihim sa pamilya ni Gherly na isa siyang spy... Ngunit nanganganib iyong sumiwalat dahil sa lahat ng puwede niyang maging kapitbhay ay ang superior niyang si Nexus ng Men in Action. Hindi sila in good terms dahil sa isang pangyayari p...